Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa

Conversations With God

ARAW 8 NG 14

Ang mga naghahangad ng mas matamis, mas malalim na pag-uusap sa Ama ay dapat matutong maghintay—nagtitiwala sa Kanyang karunungan, kapangyarihan, kalooban at tamang panahon. Ngunit bakit nga ba ang Diyos ay minsan nangangailangan sa atin ng paghihintay? Sa ibaba ay ilang mga siguradong landas para sa ating paglago, buhay-panalanging hinahangad nating lahat, ngunit minsan ay hindi tayo makapaghintay para dito.

Kung kaya ko lang, ipapahayag ko ang unang prinsipyo kasama ang tunog ng trumpeta at pulang karpet: mabuting maghintay sa harapan ng panalangin, habang nakikipag-usap sa Diyos bago humiling sa Kanya. Sa bahaging ito ng pag-unawa tayo ay nakikisama sa Diyos upang malaman kung ano ang nasa Kanyang puso. Ang paghihintay ay nagpapakita ng ating pagsuko ng ating sarili sa Kanya at paggalang sa Kanyang kagustuhan. Kailangan natin ang Kanyang karunungan upang tama ang ating hilingin. 

Nang hiningi ng mga disipulo si Jesus na turuan silang manalangin, tinuruan Niya sila na sabihing “Nawa'y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.” (Mateo 6:10). Pwede rin tayong magsimula ng isang petisyon sa pamamagitan ng paghiling kay Jesus na turuan tayong manalangin. Habang Kanyang ipinapatupad ang Kanyang kalooban sa mundo tulad ng pagpapatupad nito sa langit, tayo ay nasa tamang posisyon na humiling base sa kung ano ang Kanyang ikagagalak ibigay. Ang paghiling sa Kanya sa ganitong paraan ay nagbibigay katuparan sa mga hangarin ng ating mga puso. Ang isang kaugaliang ito ay nagbigay ng ganap na pagbabago sa aking buhay-panalangin. Labis kong inirerekomenda ang kagalakan ng pagpapanalangin ayon sa kalooban ng Diyos pabalik sa Kanya. Sa panimulang ito ng ating relasyon sa Kanya, tayo ay naghihintay sa pagdating ng Panginoon bilang kahanga-hangang Tagapayo. 

Sa ibang mga pagkakataon, ang pangangailangang maghintay ay nangyayari pagkatapos ng ating petisyon. Ang ganitong klase ng paghihintay ay may kinalaman sa panahon. Hindi laging panahon para tumanggap. “Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras (Ang Mangangaral 3:1)." Ang takdang panahon ay siguradong darating, ngunit hindi pa hanggang panahon na. Ang tamang panahon na biniyayaan ng hinihintay na sagot sa ating mga panalangin ay doble ang kagandahan.

Panghuli, ang paghihintay sa panalangin ay nagdudulot ng pagtitiyaga at ang pagtitiyaga ay hindi mabibili ng salapi. Ang mga taong naghahangad na lumaki at maging kumpleto ay nangangailangang maglakad sa matarik at paliku-likong hagdanan na nagdudulot nito. Sinasabi pa nga ng Biblia na ang nakababahalang prosesong ito ay dapat ipinagdiriwang! Maaaring kasuklaman natin ang pagdadalisay sa atin ng pagtitiyaga sa sandaling ito, ngunit pagkatapos ay hindi natin ito ipagpapalit dahil sa ating makakamit. Pinagpapala tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggal ng opsyon na tayo ay umiwas sa paghihintay. 

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Conversations With God

Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!

More

Nais naming pasalamatan si Susan Ekhoff sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.amazon.com/Prayer-That-Must-Power-Conversational/dp/1496185560/ref=sr_1_1?ie=UTF8&qid=1498693709&sr=8-1&keywords=prayer+that+must%2C+the+power+of+conversational+prayer