Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa
Maraming beses na ang Panginoon ay nangungusap sa pamilya, mga kaibigan, mga pastor, o kahit na mga manunulat na hindi natin kailanman makikilala. Tulad na lamang ng Banal na Salita ng Panginoon na dumating kay David sa pamamagitan ni Natan, kay Ester sa pamamagitan ng kanyang tiyo Mordecai, at kay Timoteo sa pamamagitan ni Pablo, tayo ay maaaring labis na maaapektuhan ng panghihikayat at halimbawa ng iba.
Maaari akong magbigay ng mga pahina ng katotohanan na nakamit ko sa paanan ng mga tagapagturo; sa katunayan, ang aking mga talaarawan ay puno ng ganitong uri ng karunungan, ngunit magtatakda lang ako ng isa sa ngayon.
Ilang taon na ang nakalilipas nang mayroon akong pribilehiyong makipagpulong ng ilang beses sa isang tagapagturo kung saan ang kanyang mga pananaw ay napatunayang napakapraktikal. Noon natanong ko siya tungkol sa aking inklinasyon sa paghakbang tungo sa pamumuno, at pagkatapos ay gusto ko na lamang na umurong, ipinaliwanag niya na kung ano ang nagsisimula sa pananalig ay maaaring humantong sa pag-aalinlangan sa sarili. Ang espiritu ay lumulukso at pumapailanlang habang ang sumusukot na kaluluwa ay pautal na nagsasabi ng, "Ano ba iyong iniisip mo? Bakit inilalagay mo ang sarili mo sa peligro? Sige na, umalis ka na!"
Upang ilarawan, hinila niya ang isang silya sa gitna ng kuwarto at humakbang sa itaas ng upuan para isagisag ang pagtanggap sa isang panibagong oportunidad sa pamumuno. Hinikayat niya na kapag inanyayahan ako ng Panginoon na "humakbang pataas," dapat akong maghanda ng sapat na katapangan para magpakatatag sa pananampalataya at pagmasdan ang tanawin mula sa bagong posisyon. Samakatwid, kung pangungunahan ng Panginoon, aatasan ko ang aking kaluluwa na sumulong kasama ng aking espiritung puno ng pananampalataya sa halip na payagan ang aking kaluluwang sumuko kaagad.
Kumikilos pa rin ako ayon sa payong ito. May mga okasyon na literal akong pumupunta nang nag-iisa sa pisikal na kuwarto na sumasagisag sa hamon sa pagka-lider, naglalagay ng silya sa gitna at humahakbang sa itaas ng upuan. Mula sa mataas na posisyong iyon, tinitingnan ko ang buong kuwarto at nagninilay-nilay sa puwesto ng kapangyarihan kung saan tinawag ako ng Panginoon. Habang ako'y nasa ibabaw pa, ipinagdarasal ko ang iba at ang aking sarili. Pagkatapos ay buong lakas kong inuutusan ang aking kaluluwa na tumindig sa bagong posisyon at maging panatag. Nagsabi ako ng oo sa Panginoon at nagsabi ng hindi sa aking mga pag-aalinlangan. Ang payong iyon ay naging karunungang naging sandigan sa buhay ko, ang tinig ng Panginoon sa pamamagitan ng isang pinagkakatiwalaang tagapagturo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!
More