Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa
Bagama't ilang taon na rin siyang nasa langit bago ako naging miyembro ng pamilya ng aking asawa, marami na akong naririnig na kuwento patungkol kay Emma Bald Ekhoff, ang lola ng aking asawa. Ang kanyang pamana ay ang kanyang mga madamdaming panalangin. "Abot-langit ang mga panalangin ni Emma," ang sabi ng isang kaibigan. Kung kaya ganoon na lang ang tuwa ko noong isang hapon habang naghahalungkat kami ng mga lumang kahon, ay natagpuan namin ang ilan sa mga abubot ni Emma sa kusina—at kabilang doon sa mga natirang kinakalawang na ay ang kanyang talaarawan. Pagbukas ko ng maliit at kayumangging libro na iyon ay sinimulan ko itong basahin nang may pananabik. Mayroong tala halos araw-araw para sa taong 1942. Binasa ko hanggang huling salita, pagkatapos ay isinarado ko ito at itinago na. Ito ang nakalulungkot na katotohanan: Wala kang makikita roon.
Marso 3: "Ginawa ko ang aking pamamalantsa at nagsulsi ng medyas."
Marso 8: "Pumunta ang lahat sa simbahan. Nandito si Douglas noong hapunan. Medyo mahangin."
Marso 9: "Nilinis ang silong. Ang gandang araw. Nagsulat ng mga liham."
Interesante? Oo, dahil ito ang mga detalye patungkol sa buhay magsasaka sa kalagitnaan ng siglo. Pero ito ay bahagyang sulyap lamang sa payak na ligaya. Ang pinakamadamdaming pangungusap na nakatala sa isang taon ay, "Ngayong araw ang kaarawan ni Dick (ang kanyang asawa). Mahal na mahal ko siya."
Isaalang-alang natin. Ano sa tingin mo ang magiging pakahulugan sa akin na malaman ang bersikulong ipinamuhay niya, o ang kanyang layunin para sa taon? Gaano na lang kaya kabisa ang praktikal at maka-Diyos na payo, o mas mabuti pa ay kung ano ang inibig niya kay Jesus at kung bakit? Gaano na lang kahalaga kung mayroon man lang kahit isang naisulat na panalangin—kahit isa?
Nasa harapan ko ngayon ang munting aklat ni Emma, at pinagtatakhan ko: Maiiba kaya ang isinulat niya kung nalaman lang niya kung gaano ko kagustong malaman ang tungkol sa relasyon niya sa Diyos? Gugustuhin kaya niya na ang kaalaman niya sa pananalangin ay mapasama sa aking aklat ng panalangin? Malamang ito.
Pitumpung taon mula ngayon kapag ang kahon ng aming mga kupas na abubot ay binuksan ng isang henerasyon na hindi namin nakilala, anong pagbati ang bubuhos sa liwanag mula sa kuwartong iyon? Mayroon ba kaming gustong sabihin tungkol sa pamilya? Tungkol sa PANANAMPALATAYA? May panalangin ba sa puso namin para doon sa mga susunod sa amin?
Ang ating mga personal na pakikipag-usap sa Diyos ay mahalaga—napakahalaga, at sila ay may malakas na pontensyal na makaantig ng mga henerasyon na hindi namin kailanman makikilala.
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!
More