Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 1:9-11

Pahayag 1:9-11 RTPV05

Ako'y si Juan, ang inyong kapatid at kasama sa kapighatian at pagtitiis na nararanasan ng mga kabilang sa kanyang kaharian dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Itinapon ako sa isla ng Patmos sapagkat ipinahayag ko ang salita ng Diyos at ang katotohanang inihayag ni Jesus. Noon ay araw ng Panginoon, at habang nasa ilalim ako ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, narinig ko mula sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang tunog ng trumpeta. Sabi niya, “Isulat mo ang iyong nakita, at ipadala mo sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicea.”