Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa
Ang tinig ng Panginoon ay madalas na hindi malakas. Ang Espiritu Santo ay kadalasang bumubulong. Sa ilang pagkakataong nagpapahiwatig Siya ng pagmamalasakit, isang napakagandang ideya na agad nating ihiwalay ang sarili natin mula sa isang posibleng bitag. Gayundin naman, kapag tahimik Niyang ipinapahiwatig ang pagpapala, maaari nating piliing sumunod at humakbang sa pagkakataong iyon sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi laging inuulit ng Panginoon ang ganitong mga pagkakataon, kaya kailangan nating maging masigasig na marinig ang Kanyang tinig at kumilos ayon dito.
Isang hapon sa kalagitnaan ng tag-araw, nakatanggap ako ng pahiwatig na lubos na nagpabago sa aking direksyon. Ang ilan sa aking mga anak ay nasa isang maliit na paaralang Cristiano sa aming lugar. Isang tagapangasiwa ng paaralan, na personal na kaibigan ko rin, ay tumawag upang tanungin ako kung maaari akong kapanayamin upang alukin na magturo ng pagsusulat sa junior high school sa susunod na pasukan.
Isang hindi inaasahang ideya. Natatandaan ko pa ang pagtitimbang-timbang at pagbabalanseng ginagawa ko sa aking isipan sa likod ng aking pakikipag-usap sa telepono. Unang dumating ang mga negatibo: Nagtapos ako sa sining. Napakaliit ng kaalaman ko sa pagtuturo ng pagsusulat. Matagal na akong hindi nakakapagtrabaho sa labas ng aming tahanan. Siguradong magugulo ang maayos na rutin ng pamilya kapag nagkaroon ako ng mga tinuturuang klase sa labas ng aming tahanan. Ang posisyong ito ay mangangahulugan ng maraming trabaho—boo! Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula. At bakit naman iisipin kong ako ang makukuha kaysa sa mas magagaling na mga gurong kakapanayamin para sa posisyon?
Ang sumunod naman ay ang mga posibilidad: Paano kung ito ay isang pagkakataon upang makatulong sa pagbabayad ng matrikula? Kahit maliit na sweldo ay magiging isang pagpapala sa pananalapi ng pamilya. Higit pa rito, gustung-gusto ko ang pagtuturo at magaling ako rito. Ang pagkakataong makapagturo sa labas ng aming tahanan ay isang katanggap-tanggap na hamon—yehey! Kung pinili ako ng Diyos para sa posisyong ito, hindi ba't ang Kanyang karunungan at kapangyarihan ang magiging kaakibat ng gawaing ito?
Sa pagkakataong iyon, nagsalita ang Panginoon. Tila ang Kanyang kamay ay nakapatong sa aking balikat—sa isang sandali at marahang pamamaraan. Iyon lang. Ipinahiwatig Niya na ang pumunta upang makapanayam para sa trabahong iyon ang landas ng pagpapala.
Natanggap ako nang buwan ding iyon. Sa loob ng dalawang buwan ay ipinakita sa akin ng Panginoon ang isang pananaw para sa trabaho. Sa ikatlong buwan, isinusulat ko na ang kurikulum, nakikipag-ugnayan na ako sa mga estudyante, at nakakagulat—lubos akong nasisiyahan sa nangyayari. Batid ko na ngayon na kung wala ang hamong ito, hindi ako magkakaroon ng kakayahan o kalakasan ng loob upang isulat ang aklat tungkol sa panalangin na sunod kong ginawa. Napakaraming biyayang dumating sa isang hakbang ng pagsunod na ito.
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!
More