Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa
Noong nagsisimula pa lang ang dekada nobenta, si Richard (ang asawa ko) at ako ay nagsimulang mag-usap tungkol sa posibilidad ng pagbabago ng aming pagiging miyembro sa isang iglesia kung saan kami ay halos sampung taon nang dumadalo. Naghahangad kami ng isang mas makabagong estilo ng pagsamba at wala kaming nakikitang pagbabago sa malapit na hinaharap. Pagkatapos ng maraming buwan, may dalawa o tatlo na lamang kaming pinagpipiliang iglesia at pinananabikan na namin ang aming pag-alis.
Samantala, napagkasunduan naming dumalo sa isang spiritual renewal weekend. Ang mga kalalakihan muna ang dadalo, pagkatapos ay kasunod ang para sa mga kababaihan pagkatapos ng dalawang linggo. Nananabik na kami para sa pagkakataong ito na makasama ang Panginoon sa panahong ito ng aming "paghahanap ng iglesia".
Ang pitumpu't dalawang oras ni Richard ay naging isang personal na pagpapanumbalik—nakita ko iyon sa kanyang mukha pagpasok pa lamang niya sa aming pinto nang gabi ng Linggong iyon. Habang siya ay nagkukuwento, nagsimula kong taimtim na asamin ang paparating na retreat ko.
Pagkatapos ng pagbabahagi ng maraming detalye, sa wakas ay binanggit niya ang paksa na itinabi niya para sa dulo. Habang marahang nagsasalita, ipinaliwanag niya na habang nasa retreat ay isiniwalat ng Panginoon na hindi kami dapat na umalis sa aming iglesia—dapat kaming manatili rito. Nang ako ay magsalita, mariin kong sinabi na hindi ito isiniwalat ng Panginoon sa akin, at siguradong hindi niya naunawaan ang Diyos, at sinagot naman niya ito na maghintay na lang kami.
Nang halos patapos na ang huling araw ng aking retreat, nangusap din sa akin ang Panginoon. Isang sandali ay wala akong kaalam-alam, at sa sumunod na sandali ay lubos kong naunawaan: Mananatili kami sa aming iglesia. Tuldok. Ang nabuo ko nang kalooban ay sumalpok sa buo at hindi matitinag na kalooban ng Diyos na tila isang mabilis na kotseng sumalpok sa isang matibay na bakod na bakal.
Nanginginig, nagsimula akong umiyak nang may lubos na pagdadalamhati. Hinihingi ang aking pagsunod. Hinihingi sa aming manatili, ngunit nang sandaling iyon ay hindi ko maarok ang pangangatuwiran ng Diyos. Kinailangan ang pananaw ng napakaraming taon upang maunawaan ang bakit. Pansamantala, pinili naming sumunod at manatili.
Ang sumunod ay malalalim na hiwa sa aking mapagmataas na saloobin.—aray, sinundan ng isang aral sa kapakumbabaan—doblen aray. Ang ilan sa aking itinatanging mga aral ng buhay ay natamo ko dahil sumunod ako at napilitang matuto sa mga ito.
Laking gulat ko na ang aming iglesia ay nakaranas din ng pagbabago sa banayad na tiyempo ng Diyos. Ngayon ay batid ko na mula sa aking karanasan na maaaring baguhin ng Diyos ang sinuman—kahit ako. At ang makita ang muling pagsigla ng aming iglesia ay sulit na sa aking ipinaghintay. Ang pagpapala ay sumusunod sa pagsunod.
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!
More