Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa

Conversations With God

ARAW 4 NG 14

Ang pagdama at pagtamasa sa tinig ng Diyos ay naging pinaka-kapanapanabik na pakikipagsapalaran sa aking buhay. Dala ng Kanyang tinig ang Kanyang kakanyahan at yakap. Habang nagsasalita Siya, tinatapunan Niya ako ng Kanyang pagmamahal. Kaya't ang pagkilala sa Kanyang tinig ay isang pakikipagtagpo sa Kanya. 

Pinatunayan ng karanasan na hindi ako dapat matakot na mangusap si Jesus sapagkat ang Kanyang tinig ay nagdadala ng Kanyang presensya, at ang Kanyang Persona ay laging mabait-kahit na sa pagwawasto. Siya ay gumagalang tulad ng paggalang ng isang ikakasal sa kanyang pakakasalan. Ang Kanyang hindi nagbabagong kabutihan ay nagtuturo sa akin na magtiwala sa Kanya. 

Ang aking unang pahiwatig na ang Panginoon ay nangungusap ay ang Kanyang tinig na tinatawag ang aking pansin. Minsan ang Kanyang pakikipag-usap ay hindi maliwanag. Ngunit ang Kanyang mga salita ay maaari ding maging katulad ng aking sariling mga saloobin at imahinasyon o ang mga sinasabi ng mga nasa paligid ko. Pagkatapos ay nagtataka ako, "Nangungusap ba ang Panginoon o ako ay niloloko lamang ng aking sariling isip, kalooban, at emosyon?” 

Tinanong ko ang Panginoon minsan tungkol sa problema ng pagkilala ng Kanyang tinig. Nagulat ako sa ipinahayag Niya. Sinabi Niya na siyamnapung porsyento ng oras nang tumigil ako nang sapat upang magtaka kung nangungusap Siya, ito talaga ang Kanyang tinig. Pagkatapos ay kinilabutan ako dahil madalas kong inaalis ang Kanyang mga bulong na nagreresulta sa lantarang pagsuway. Ang aking panuntunan: Kung kailangan kong huminto at magtanong, "Ito ba ang Panginoon?"—marahil ito ay Diyos! Ang pagkaalam tungkol sa kung paano magpatuloy pagkatapos ay sumusunod sa pagkilala na Siya ay nangungusap.

Hangad ko ngayon ang pakikipag-usap sa Panginoon. Ang kanyang mga saloobin ay purong karunungan, kabaligtaran ng aking likas na pagkahilig. Kapag nagsasalita Siya, nagdadala Siya ng katotohanan, pinapalawak ang aking limitadong pag-unawa sa Kanyang payo. Sa gitna ng Kanyang sariwang paghahayag o tagubilin, madalas kong makita na ang aking pag-unawa ay nagbago nang hindi inaasahan na sa isang sandali na hindi ko alam, hindi ko namamalayan; sa susunod na sandali ay may alam ako sa isang bagay na sa gayon ay hindi ko sinasadyang sabihin, “Ay! Ngayon nauunawaan ko.”

Habang nararamdaman ng aking espiritu ang Kanyang pakikipag-usap at palagiang presensya, ang kapayapaan ay madalas na pumapasok at kumakalat, o purong kagalakan na bumubula mula sa loob. Maaaring sumunod ang hindi mapigilang luha. Sa palagay ko ito ang Kanyang kabaitan na nagtatawag ng isang tugon sa maraming mga antas. Inaanyayahan ng Kanyang tinig ang aking pagtugon—na nagiging sunod na bahagi ng aming patuloy na pag-uusap. 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Conversations With God

Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya sa buong buhay natin—isang usapan na gagawa ng kaibhan sa direksiyon, mga relasyon, at layunin. Ang gabay na ito ay puno ng mga personal na kuwento na madaling unawain patungkol sa mahabaging puso ng Diyos. Iniibig Niya tayo!

More

Nais naming pasalamatan si Susan Ekhoff sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.amazon.com/Prayer-That-Must-Power-Conversational/dp/1496185560/ref=sr_1_1?ie=UTF8&qid=1498693709&sr=8-1&keywords=prayer+that+must%2C+the+power+of+conversational+prayer