Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagmamagulangHalimbawa

7 Things The Bible Says About Parenting

ARAW 7 NG 7

Maraming taon na ang nakakaraan, tumugon kami sa tawag ng Diyos na palakihin ang aming pamilya sa pamamagitan ng pangangalaga ng mga batang hindi namin kamag-anak at sa pag-aampon. Alam namin na magiging mahirap ito, ngunit handa kami na maging mga kamay at paa ni Jesus sa mga pamilya sa kanilang oras ng pangangailangan. Handa kaming baguhin ang mundo. Ang hindi namin napagtanto ay kung gaano babaguhin ng Diyos ang aming mundo.

Madalas sinasabi sa amin ng mga tao kung gaano kami ka-espesyal dahil ginagawa namin ito. Ngunit hayaan mong sabihin ko sa iyo ang isang sikreto: ang mga magulang na nangangalaga ng iba at nag-aampon ay hindi espesyal. Kami ay may mga lamat; nagkakamali; sumisigaw, at tiyak na hindi areglado sa lahat ng aspeto. Sa madaling salita, kami ay mga tao lamang na naglalakad sa pananampalataya at nakikilusong sa gulo. Ngunit ang espesyal ay ang ginagawa ng Diyos kapag tayo ay masunurin.

Paulit-ulit na naming nakitang sumipot ang Diyos sa nakaraang mga taon bilang pamilyang nangangalaga, kung paano Niya inililipat ang mas maraming bundok kaysa naaalala namin bago kami naging mga tagapangalaga ng mga bata. Nang inakala naming wala ng pag-asang magkaroon ng ugnayan sa tunay na pamilya ang isang bata, sumipot ang Diyos. Nang kailanganin nang umalis sa amin ng ilang batang aming inalagaan, sumipot ang Diyos. Nang inakala naming hindi na namin kakayanin ang isa pang araw, sumipot ang Diyos.

Ang paglalakbay na ito ay nakatulong din sa amin na maunawaan nang mas malinaw kung paano tayo tinatanaw ng Diyos. Kung paanong tinatanggap namin ang mga batang sugatan sa aming tahanan, tinanggap tayo ng Diyos sa Kanyang pamilya. Siya ang ating Ama sa Langit at ating tagapagtanggol. Hindi mahalaga sa Kanya anuman ang ating mga problema, mga kasalanang nagawa, o kung saan tayo may pagkukulang. Kung lalapit tayo sa Kanya, yayakapin Niya tayo na tulad ng isang ama, mamahalin nang walang kondisyon, at tatawaging Kanyang mga anak.

Kung pakiramdam mo ay hindi ka sapat, humaharap sa imposibleng sitwasyon, o hindi lamang nakasisiguro sa dapat mong sunod na gawin, hinihimok kitang hanapin ang Diyos at magtiwala sa Kanya nang lubos. Maaaring akalain ng iba na nababaliw ka na. Sa katunayan, ginagarantiyahan kong ito nga ang iisipin nila. Ngunit magagarantiyahan ko rin sa iyo ito: Hinahabol ka na ng Diyos. At Siya ay may plano para sa iyong buhay na higit pa sa anumang maaari mong isipin ngayon.

Taylor Ketron
YouVersion Administrator

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Parenting

Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

More

Nais naming pasalamatan ang YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mas higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bible.com/reading-plans