Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagmamagulangHalimbawa

7 Things The Bible Says About Parenting

ARAW 1 NG 7

Nagsabit kami ng karatula ng bersikulong ito sa silid ng aming anak na lalaki bago pa man namin siya naiuwi mula sa ospital, at nakikita namin ito gabi-gabi kapag papatulugin na namin siya. Dakilang paalala ito sa amin ng tawag at responsibilidad na iniatang sa amin ng Diyos bilang kanyang mga magulang.

Bilang mga magulang, atin ang pangunahing responsibilidad ng pagtatatag ng pundasyon ng pananampalataya para sa ating mga anak. Sa ayaw at sa gusto natin, nagpipinta tayo ng larawan ng pananampalataya para sa ating mga anak araw-araw. Bawat salita, bawat kilos at bawat reaksiyon ay guhit sa larawan. Ang pagpipinta ng isang perpektong larawan ay tila napakahirap isabuhay sa pang-araw-araw na pagmamagulang. Ikaw man ay nasa palaging puyatan kasama ng isang sanggol, nasa hamon pa rin ng pagtuturo ng paggamit ng kasilyas, namamahala ng gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan, o nag-eentrega ng susi ng sasakyan, ang pagmamagulang ay mahirap na trabaho. Kailangan nating tandaan na hindi inaasahan ng Diyos na gawin natin ito nang sarili lamang natin— mahal Niya ang ating mga anak nang higit sa makakayanan natin! 

Heto ang dalawang simpleng paraan na maituturo natin sa Diyos ang ating mga anak.

1.  Manalangin kasama ng at para sa inyong mga anak. Araw-araw. Upang makapagtatag ng isang pundasyon ng pananampalataya para sa inyong mga anak, ang palagiang pananalangin ay kinakailangan. Manalangin kasama ng at para sa inyong mga anak. Araw-araw. Huwag kailanman tigilan ang pananalangin para sa inyong mga anak. Huwag payagan ang kanilang kasalukuyang sitwasyon na liliman ang kapangyarihan ng Diyos. Kahit na ang inyong anak ay kasalukuyang tumatakbo palayo sa Diyos, Siya ay laging isang panalangin lamang mula sa kanila. Kayang baguhin ng panalangin ang lahat.

2.   Huwag ninyong sarilinin ito. Sabi ng iba kailangan ng isang buong baranggay sa pagpapalaki ng mga bata. Kailangan ninyo ng mga tao sa inyong buhay na tutulong na maituro ang inyong mga anak sa tamang direksiyon. Dumalo sa simbahan na magkakasama ang pamilya. Maglingkod sa simbahan na magkakasama ang pamilya. Sumali sa isang maliit na grupo na kinabibilangan ng mga taong maaari ninyong sandalan sa mga yugto ng pagmamagulang. Kailangan nating lahat ng komunidad, at napakahalaga para sa inyo at sa inyong mga anak na magkaroon ng malalakas, nakaugat-sa-pananampalatayang mga relasyon.

Hindi kailanman huli na para pasimulan ang pamumuhunan sa pananampalataya ng inyong mga anak. Hindi rin kailanman masyadong maaga upang pasimulan ito. Itakda ang landas ng pananampalataya para sa inyong mga anak at simulan nang ituro sila papunta sa Diyos ngayon.

Todd Dobberstein
YouVersion Product Manager

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Parenting

Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

More

Nais naming pasalamatan ang YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mas higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bible.com/reading-plans