Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagmamagulangHalimbawa

7 Things The Bible Says About Parenting

ARAW 3 NG 7

Ako ang bunso sa dalawang anak na babae sa aking pamilya, kaya ang aking kabataan ay puno ng mga larong mga manikang nagkakape-kapihan, lutu-lutuan sa aming kusi-kusinahan, at sa paglalaro ng damit-damitan—lahat matiwasay, pino, at ligtas na mga gawain. Ngayon, bilang isang ina na rin na may dalawang batang lalaki na wala pang limang taong gulang, ibang-iba ang hitsura at mga tunog ng bahay ko sa kinalakihang bahay. Ang pananalangin para sa aking mga anak ay naging isang kinakailangang bahagi ng aking paglalakbay bilang ina, higit sa lahat dahil sa sigla ng aking mga anak. Tulad ng ibinabala sa akin ng aking biyenan tungkol sa buhay kasama ang puro mga lalaki, matutukoy ko na sa mga palayaw nila ang mga nars sa ER!

Hindi ko kailanman inakala na sa ilang taon pa lamang sa pakikipagsapalaran kong ito ay makikita ko nang lumagpak sa kanyang mukha ang aking panganay (na nauwi sa root canal ng ngipin) at pagkatapos, pagkaraan pa lamang ng isang taon, ay lumagpak sa kanyang ulo (na nauwi sa tatlong metal na staple upang maisara ang sugat). Hindi ko rin kailanmang inakala na mapapasailalim ang aking 10-buwang-gulang na sanggol sa operasyon para sa isang kondisyon na naroon na nang ipinanganak siya. Ang bawat sitwasyon ay lubos na wala sa aking kontrol. Wala akong magagawa upang mapigilan ang anuman sa mga bagay na iyon na mangyari—isang pagtanto na naghatid sa akin sa aking mga tuhod sa pananalangin para sa aking mga anak.

Bilang magulang, ang ating mga anak ay mga kaloob mula sa Diyos na kailangang sustentuhan, protektahan, pakitaan ng pagmamahal at kagandahang-loob ni Jesus, at ihanda para sa kanilang sariling paglalakbay sa buhay. Ang kanilang mga pang-araw-araw na sitwasyon o ang pangkalahatang takbuhin ng kanilang mga buhay ay wala sa ating kapasyahan—o kapangyarihang kontrolin. Kaya ano na lamang ang maaari nating gawin bilang mga magulang kalaunan, pagkatapos nating ibuhos ang bawat patak ng lakas sa pagpapalaki ng mga anak na mabait, magalang at magpaparangal sa Diyos at sa pagpapanatili sa kanila na malusog at ligtas? Maaari nating dalhin ang ating mga alalahanin, pag-aalinlangan, at mga inaasahang hindi natupad sa Diyos—mapagpasalamat na hindi nating kailangang nasa kontrol.

Nawa ay hindi tayo mapagod sa pananalangin para sa ating mga anak at sa hawakan sila na bukas ang mga kamay sa pamamagitan ng pagtitiwala at pananampalataya sa ating Manlilikha— na nagmamahal sa ating mga anak nang higit kaysa posibleng makayanan natin at humahawak sa kanila sa Kanyang mga kamay na makapangyarihan sa lahat. 

Lisa Gray

YouVersion Localization Manager

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Parenting

Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

More

Nais naming pasalamatan ang YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mas higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bible.com/reading-plans