Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagmamagulangHalimbawa

7 Things The Bible Says About Parenting

ARAW 2 NG 7

Hunyo 2010 noon, at hinihintay na naming mag-asawa ang kapanganakan ng una naming anak. Naghahapunan kami kasama ng aking ama, kaya nagpasya akong humingi ng karunungan sa kanya. Hiningi ko sa ama ko na ibigay sa akin ang pinakamabuting payo niya mula sa deka-dekada niyang pagmamagulang.

Nag-isip siya nang isang minuto, at pagkatapos ay binigyan ako ng isang paghahalintulad na hinding-hindi ko malilimutan. Sabi ng ama ko ang pagmamagulang ay tulad ng isang timbangan—hindi tulad ng timbangang panukat ng bigat na nasa iyong banyo, kundi tulad ng makikita mo sa larawan na sumasagisag ng katarungan. Sa isang panig ay mayroong pagmamahal; sa kabila naman ay may disiplina. Ang labis na malimit na paggamit ng alinman sa mga ito nang hindi katambal ang kabila ay makakasama sa iyong anak. 

Nagpatuloy ang ama ko na ipaliwanag na kung mas ipinapakita mo ang pagmamahal sa iyong anak, mas tatanggapin nila ang iyong disiplina. At, kung mas gagamit ka ng disiplina, kailangan mo ring ipaalam sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Ang labis na pagmamahal na walang kasamang disiplina ay maaaring magresulta sa isang batang laki sa layaw, at ang labis na disiplina na walang kasamang pagmamahal ay maaaring magresulta sa pinsalang emosyonal sa bata at sa sila ay malayo sa iyo.

At mula noong gabing iyon, madalas ko nang napag-iisipan ang kaugnayan ng pagtutuwid at pagmamahal. Naniniwala ako na madalas masama ang loob ng mga magulang kapag dinidisiplina nila ang kanilang mga anak. Tiyak na ito’y hindi masayang gawin. Ito’y mahirap, ngunit ito’y mabuti. Kaya't hinihimok ko kayong maglapat ng naaangkop na antas ng disiplina sa inyong anak upang malalaman nilang mahal ninyo sila at nagmamalasakit kayo sa kanila.

Tulad ng ating pagmamahal at pangangailangan na disiplinahin ang ating mga anak, ang ating Ama sa Langit ay nagmamahal sa Kanyang mga anak at didisiplinahin ang mga ito. Kung tinanggap mo si Cristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas, ang Diyos ay iyong Ama. Ikaw ay maibibilang sa Kanyang pamilya.

Brad Belyeu
YouVersion Engineer 

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Parenting

Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

More

Nais naming pasalamatan ang YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mas higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bible.com/reading-plans