Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagmamagulangHalimbawa

7 Things The Bible Says About Parenting

ARAW 6 NG 7

Ako ay nag-labor nang 60 oras. 60 na mahahabang, masasakit, at nakakabalisang mga oras. Ang ilang kababaihan ay nagreklamo tungkol sa haba ng kanilang pagle-labor, at ang iba naman ay ipinagmamalaki ito. Masasabi kong ako’y mas tulad ng pangalawa dahil ipinagmamalaki ko ang bawat nakakahapong sandali nito. 

Ngunit ang pagmamalaking naramdaman ko ay agad naglaho nang sandaling magsimulang umiyak ang anak ko sa kalagitnaan ng gabi, ilang oras pa lamang makaraang siya ay ipanganak. “Ano ang ibig sabihin ng iyak na ito? Gutom ba siya? Paano ko malalaman kung gaano karami ang dapat ibigay sa kanya? May kailangan ba siyang iba? Nasaan ang nars?!?

Ang masilayan ang anak ko ay nagdala ng hindi-maunawaang pagpapasalamat para sa biyaya ng buhay niya. Ngunit, hindi nagtagal matapos ang hindi-mahihigitang damdamin ng pasasalamat na iyon, dumating ang mga alon ng pag-aalinlangan, takot at damdaming ako ay kulang sa kakayahan. Bilang isang baguhang ina, pakiramdam ko ay hindi ako handa at walang kakayahang harapin ang pagmamagulang. 

Ang totoo nito, hindi pa rin lubos na nawawala ang damdaming iyon mula noon. Ngunit lubos akong nagtitiwalang totoo ang sinasabi ng Biblia:

Kung ikaw ay nangangailangan ng karunungan, humingi sa ating Diyos na nagbibigay nang sagana, at ikaw ay bibigyan Niya nito. Santiago 1:5

Pinakitaan ako ng Diyos ng bagong antas ng Kanyang pagiging sagana sa pagbibigay sa pagkakaloob sa amin ng isang anak, at ang bagong yugtong ito ang nagpuwesto sa akin na may-pagpapakumbabang humingi sa Diyos ng karunungan. Labis Siyang tapat sa pamamatnubay sa aking pagmamagulang sa pamamagitan ng Kanyang karunungan kahit kailan ako lumapit sa Kanya nang may espiritung bukas na matuto at nakasuko. 

Umaasa akong alam mo kung ano ang mayroon ka kay Cristo. Nais Niyang patuloy na ibuhos sa iyo ang Kanyang kagandahang-loob sa mga pamamaraan na ikaw ay nagmamagulang. Nais Niya—nang higit pa sa iyo—na ang iyong anak ay makilala Siya, mahalin Siya, paglingkuran Siya at mapatnubayan Niya. Siya ay ganap sa karunungan at sagana sa pagbibigay, at nais Niyang bigyan ka nang labis-labis ng mga ito. Handa ka ba na yakapin ang mga ito? 

Pumunta sa ating masaganang Diyos at humingi ng karunungan habang nilalakbay mo ang mga hamon ng pagmamagulang. Handa Siyang ibigay ito sa iyo.

Jessica Penick

YouVersion Content Manager

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Parenting

Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

More

Nais naming pasalamatan ang YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mas higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bible.com/reading-plans