Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagmamagulangHalimbawa

7 Things The Bible Says About Parenting

ARAW 4 NG 7

Mahirap ang pagmamagulang, malinaw at simple. Napakadali para sa atin na gunitain ang paglaki ng ating mga anak—kung gaano sila kaliit noon at kung gaano sila ka-nakakatuwa noon, ngunit napakahirap tandaan na sila ay tunay ngang biyaya isang karaniwang Martes ng gabi habang sila’y nagsisisigaw sa isang sulok, o kapag tayo’y tila nagpapalit ng pang-isang libong lampin sa loob ng isang araw! 

Ngunit, sa kabila ng stress na dala ng pagmamagulang, kaya tayong tulungan ng 1 Mga Taga-Tesalonica 5:16-18 na makakita nang malinaw at magkaroon ng bagong pananaw sa mga nakakabaliw na panahong ito. 

Magalak Kayong Lagi

Huwag mawalan ng pag-asa sa mga mahihirap na sandaling iyon. Alalahanin mo na ang pagiging magulang ay isang dakila at mahalagang pagkatawag, isang pribilehiyo na ibinigay sa atin ng Diyos, at isa na makakakitaan natin ng mga bunga balang araw, kahit hindi natin maramdaman iyan ngayon. Yakapin ang katotohanang ibinigay sa atin ng Diyos ang karangalang ito.

Huwag Tumigil Manalangin

Walang nang higit pang kailangan ang ating mga anak kaysa sa presensiya ni Cristo sa kanilang mga buhay. Kung gayon, ang pinakamahalagang bagay na ating magagawa bilang mga magulang ay ang paliguan sila ng panalangin. Sinasabi sa atin ng 1 Mga Taga-Tesalonica 5:17 na maging matiyaga sa panalangin sa buong araw—kahit pa parang nagkakagulo na ang lahat sa ating paligid. 

Maging Mapagpasalamat

Ang pagiging mapagpasalamat para sa ating mga anak ay minsan madali at minsan naman ay mas mahirap. Ngunit sa mga mahihirap na araw na iyon, alalahanin mong hindi ka nag-iisa. Kapag nararamdaman mong parang nauupos ka na, iyon ang isa sa pinakamagandang sandali na lumapit sa Diyos sa panalangin. Hilingin mo sa Kanyang panumbalikin ang iyong kagalakan, at pasalamatan Siya para sa iyong mga anak. Kaya at ibibigay Niya sa iyo ang lakas, kagalakan, at loobing mapagpasalamat na iyong kailangan. At kung tayo ay matututong sumandig sa Diyos sa mga mahihirap na araw ng pagmamagulang, hindi natin maiiwasang maging mapagpasalamat para sa ating mga anak!

Casey Case

YouVersion Support Leader

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Parenting

Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

More

Nais naming pasalamatan ang YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mas higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bible.com/reading-plans