Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagmamagulangHalimbawa

7 Things The Bible Says About Parenting

ARAW 5 NG 7

Lahat tayo ay nagnanais ng mga anak na may mabubuting asal, tama? Minsan, ang ibig sabihin natin nito ay nais natin ang ating mga anak na magmukhang may mabuting asal sa iba. Maaaring ibig sabihin nito ay hindi nag-aalboroto o magulong naglalaro, o ibig sabihin ay nagsasalita ng “please” at “salamat po” sa mga angkop na pagkakataon. Ngayon na lumalaki na ang aking mga anak, napapaisip ako kung ang mga ginawa ko ba noon upang sila’y maging maayos sa panlabas ay nakakatulong sa kanila upang maging mas mabuti sa panloob.

Sa loob ng dalawang maikling taon, aalis na ang aking panganay na babae para magkolehiyo. Ayaw ko man aminin, ngunit wala ako sa kanyang tabi upang siguruhing tama ang lahat ng gagawin niya. Kaya, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko ngayon upang maalala niya ang mga sinasabi ko kapag dumating ang oras na iyon, kung kailan makikipagbaka siya upang piliing gawin ang tama. Mas mainam pa doon, paano kung mismong tinig ng Diyos ang kanyang marinig? Dahil palagi niya Siyang makakasama—sa mga panahong hindi ko kaya.

Ang pinakamagandang paraan upang makilala ng ating mga anak ang tinig ng Diyos ay ang turuan sila ng Kanyang Salita, ngunit ang simpleng pagsasawika nito sa kanila—o kahit pa ang pagturo sa kanila na bigkasin ito—ay hindi sapat. Kung nais mong makita ang mga anak mong napanibago ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos, kung gayon ay kakailanganin nila itong makita mismo sa iyo—tunay na naisasabuhay sa iyong buhay at mga desisyon na ginagawa mo araw-araw. Pag-usapan ito sa hapag-kainan. O sa sasakyan. Kaswal na banggitin ito sa iba. Tulungan mong makita ng iyong mga anak kung paano nakakaapekto ang tinig ng Diyos at Kanyang Salita sa bawat aspeto ng iyong buhay. 

Kasabay nito, tulungan mo ang iyong mga anak na maranasan ang Biblia para sa kanila sa pamamagitan ng pag-angkin ng papel bilang tagapagsanay. Mahalagang matutunan nilang magbasa ng Biblia at makinig sa salita ng Espiritu Santo nang mag-isa. Tulungan silang pumili ng Gabay sa Biblia, at sundan ito ng mga tanong. Narito ang ilang mungkahi upang simulang ang usapan: 

  • Ano ang pinakamagandang nabasa mo sa Biblia mo ngayong linggo?
  • May nabasa ka bang hindi mo naintindihan?
  • Mayroon ka bang nabasang mas nais mo pang matutunan?
  • Ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos mula sa binabasa mo?
  • Ano'ng isang bagay na maaari mong baguhin sa iyong buhay bilang resulta ng iyong nabasa?

Bilang mga magulang, nagpupunyagi tayo kasama ang Banal na Espiritu upang turuan ang ating mga anak tungkol sa Diyos at sa Kanyang kaharian. Buong-pusong pagkatiwalaan Siya para sa kanilang panloob na pagbabago. Mahal Niya sila nang higit pa sa kaya nating ibigay.

 

Michael Martin

YouVersion Web Developer

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Parenting

Ang pagpapalaki ng mga bata ay mahirap, kahit pa sa mga pinakamainam na sitwasyon. Sa pitong-araw na debosyonal na ito, mga magulang sa tunay na buhay — na mangyari ding mga kawani ng YouVersion — ang magbabahagi ng kung paano nila inilalapat ang mga prinsipyo mula sa Salita ng Diyos sa mahalagang aspeto na ito ng kanilang buhay. Ang debosyonal sa bawat araw ay may lakip na Bersikulong Larawan na maaari mong gamitin na tulong sa pagbabahagi ng iyong sariling paglalakbay.

More

Nais naming pasalamatan ang YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mas higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bible.com/reading-plans