Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa

Lubhang nagkasakit si Eliseo at binawian ng buhay sa 2 Mga Hari 13:10-21 at natunghayan ang pinaka-nakatutuwang himala niya. Matapos na mamatay at mailibing si Eliseo, sinalakay ng mga Moabita ang Israel habang may ilang Israelitang naglilibing ng isang lalaki. Lubusang nagulat ang mga ito at sa pagmamadali ay naitapon na lamang ang bangkay sa libingan ni Eliseo. Nang ito'y sumayad sa kalansay ni Eliseo, nabuhay ang bangkay at bumangon. Kahit sa kamatayan, patuloy na ginamit ng Diyos si Eliseo para tulungan ang mga nangangailangan at gumawa ng kamangha-manghang bagay sa buhay ng iba. Si Eliseo ay isang propetang may kamangha-manghang pananampalataya, pagtalima, kahabagan, at katapangan. Maging ito'y tungkol sa pagpapalutang ng talim ng palakol, pagsusunog ng mga araro bilang pagtalima sa tawag ni Elias, o pagbubuhay sa patay matapos ding mamatay, si Eliseo ay isa sa pinaka-hindi malilimutang tao sa Bibliya.
Pagkakataon nang maging kamangha-mangha gaya ni Eliseo at pigilan ang anumang humaharang. Oras nang harapin ang panganib at gumawa ng mga desisyong maaring 'di maintindihan ng mundo. Se Eliseo ay isang lubusang halimbawa ng buhay na walang takot at puno ng nakatutuwang pananampalataya. Kapag ipinaubaya at ibinigay mong lahat sa Diyos, gagawa Siya ng mga kamangha-manghang bagay sa buhay mo na inaakala mo'y hindi posible. Nakasalalay lamang sa'yo. Anong mga hakbang ang kailangan mong gawin upang magkaron ng kasing katuwa-tuwang pananampalataya kaparis ni Eliseo?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.
More
We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawa

Pakikinig sa Diyos

Committed Siya Sa Iyo

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

Pagmamahal