Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

ARAW 7 NG 13

Sa 2 Mga Hari 4:38-44, patuloy na nagsagawa ng mga milagro si Eliseo kagaya ng mga ginawa ni Jesus. Sa unang milagro, inalis ni Eliseo ang lason sa niluto para sa mga propeta. Sa ikalawang milagro ay pinarami ni Eliseo ang 20 tinapay ng trigo para mapakain ang isang daang katao. Ang mga milagrong ito ay halimbawa ng paggamit ng Diyos kay Eliseo para matugunan ang pangangailangan ng iba. Marahil ay nagkaroon ka din ng "nakalalasong lutuin" sa buhay mo na inayos ng Diyos upang maging daluyan ng paggaling. Maaring ito ay pisikal o patungkol sa puso o isip. Maaring mayroong nakalalason sa buhay mo na hindi mo maalis sa sariling kakayanan at kinakailangan ng kapangyarihan ng Diyos. Gaya ng ginawa Niya sa ulam, kayang alisin ng Diyos ang anuman at lahat ng lason sa buhay mo at ipanumbalik ang kalusugan sa iyo. Sa anong lason ka napagaling ng Diyos? Anong lason ang kinakailangan mo ang Diyos upang pagalingin ka ngayon?

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.

More

We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church