Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

ARAW 6 NG 13

Sa kabuuan ng buhay ni Eliseo, makikita nating ang mga himalang ginawa niya ay halos kagaya din ng mga himala ni Jesus. Sa 2 Mga Hari 4:8-37, ginawa ni Eliseo ang isa sa mga kagayang himala sa pagpapagaling sa anak ng Sunamita. Nang unang makilala ni Eliseo ang babae ay lubos siyang nabaitan dito kaya nagdesisyon siyang gantihan ito ng inaakala niyang pinakagusto nito, ang isang anak. Pinagkalooban ng Diyos ang babae ng anak, subalit makalipas ang ilang taon ay namatay ito at humingi ng tulong ang babae kay Eliseo na buhayin ang bata. May dalawang kawili-wili sa babasahing ito. Ang una ay ang nakatutuwang pamamaraan ni Eliseo na ipanumbalik ang buhay ng bata sa pamamagitan ng pagtapat sa bibig ng kanyang bibig, mata sa mata, at kamay sa kamay. Ang ikalawa ay ang pagtatangka ni Eliseo na pagalingin ang bata ay hindi nagtagumpay sa unang beses.

Ilang beses ka bang naging kagaya ni Eliseo? Humihiling ka sa Diyos na gumawa ng bagay na alam mong kaya Niya, subalit hindi ito nasasakatuparan sa unang pagkakataong humiling ka. Maaring araw, buwan, o kaya'y taon. Huwag sumuko kung hindi magtagumpay sa unang pagkakataon. Manatili sa pananalangin. Patuloy na hanapin ang Diyos. Sasagot siya sa panalangin sa paraan at oras na mainam para sa iyo. Huwag mapanghinaan ng loob at patuloy na manalangin. Ano ang isang bagay na hinihingi mo sa Diyos na hindi pa Niya sinasagot? Ano ang maari mong gawin para hindi tumigil at sumuko sa paghanap sa Diyos sa pagpapanalangin para dito?

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.

More

We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church