Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa
Nahihirapan ka ba sa dami ng mga responsibilidad at pagsubok na nasa bawat kilos mo? Nararamdaman mo bang wala ka nang magagawa at ubos na ang buhay mo? Marahil ganito din ang nararamdaman ng asawa ng propetang namatay sa 2 Mga Hari 4:1-7. Sa pagkamatay ng kanyang asawa, nalagay siya sa malaking pagkakautang at nanganganib na mawalan ng lahat--kasama ang dalawang anak na lalaki--sa mga pinagkakautangan. Humingi siya ng tulong kay Eliseo. Nang tinanong siya kung ano ang mayroon siya sa bahay niya sinabi niyang wala kundi isang boteng langis. Marahil nakakasimpatya ka sa balong ito na kapag naiisip mong naghihikahos ka, nababagabag ka at napanghihinaan ng loob. Ibang-iba ang tingin ng Diyos sa problema mo.
Sa buong kasulatan makikita natin ang mga halimbawa kung paanong pinararami ng Diyos ang kukunti at ang kwentong ito ay isang magandang halimbawa. Maaring makita ng mundo ito bilang wala sa katwiran at kakatawa, subalit hindi ang Diyos. Ginamit ng Diyos ang isang boteng langis at pinarami ito para mabayaran ng byuda ang mga pagkakautang. Sa mga pagkakataong nahihirapan at parang wala nang kasagutan, tandaang anumang mayroon ka ang lubusang kinakailangan ng Diyos. Pinagkalooban ka ng Diyos ng lahat ng kailangan mo. Saang bahagi ng buhay mo nararamdamang sukdulan na at wala ka nang magagawa? Ano ang mga bagay na nasa iyo na maaring makatulong sa iyong mabago ang paningin mo?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.
More
We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church