Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa
![Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F661%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang buhay ni Eliseo ay tila puno ng mga kakaiba at 'di pangkaraniwang pangyayari. Ang pinaka-naiiba ay nasa 2 Mga Hari 6:1-7. Dito mababasa natin ang tungkol sa pangkat ng mga propeta na nagpuputol ng puno gamit ang palakol para magtayo ng bagong bahay. Nahulog sa tubig ang talim ng palakol ng isa sa kanila at lumapit siya kay Eliseo para magpatulong dahil hiniram lamang niya iyon. Bilang tugon kumuha si Eliseo ng isang sanga ng kahoy at initsa ito sa tubig kung saan nahulog ang talim. Bigla ay lumutang ang talim ng palakol. Sa unang pagbasa sa kwentong ito, maaring maisip na walang dahilan dito, subalit maraming matututunan sa kwentong ito. Inaalintana ng Diyos ang mga nawawala mo. Walang alalahanin ang sobrang liit para sa Diyos, kahit ang ang nawalang talim ng palakol.
Ano ang nawala mo? Nawala mo ba ang pagpapala, ugnayan, kapayapaan, kakayanang pinansyal, reputasyon, o kung anuman? Ang mabuting balita ay may pakialam ang Diyos sa anumang nawala mo at nais Niyang makatutulong mabawi kung anuman iyon. Maari kang tulungan ng Diyos hanapin ang nawala mo sa kung saan ito nalaglag. Bumalik kung saan ka nawalan at hayaan ang Diyos na ipanumbalik ka. Baka kinakailangan mong itigil ang ilang bagay at magsimula sa panibagong lakarin. Ang talim ng palakol mo ay hindi nawawala.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F661%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.
More
We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church