Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa
Sa simula ng 2 Mga Hari 6:24 hanggang sa kabanata 7, natunghayan nating muli ang pangkaraniwang tema sa buhay ni Eliseo ang paggamit ng Diyos kay Eliseo upang tugunan ang mga pangangailangan ng Kanyang mga tao. Dito ang mga Israelita ay dumaranas ng taggutom dahil sila'y kinubkob ng mga taga-Siria. Nagwika si Eliseo na magpapadala ang Diyos ng maraming pagkain na magiging sobrang mura dahil sa karamihan. Ang sumunod ay isa na namang kamangha-manghang kwento sa buhay ni Eliseo kung saan nahantungan ng mga taga-Israel ang hukbo ng taga-Siria na lumisan iwan ang lahat ng mga pagkain at kagamitan. Muli, tinugon ng Diyos ang mga pangangailangan ng mga Israelita. Ang Diyos ay nariyan para sa kanyang mga nilikha at Siya ay nariyan para sa'yo.
Balikan ang mga panahong ikaw ay nangailangan. Pagmuni-munihan kung paano Niya patuloy na tinaguyod ang mga pangangailangan mo gaya ng ginawa sa mga taga-Israel. Sinasaad ng Mga Taga-Filipos 4:19 na ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ang pangakong ito'y totoo libong taon na para sa mga taga-Israel at nananatiling totoo ngayon para sa'yo. Hindi ka iiwan ng Diyos at tutulungan ka Niyang matugunan ang mga pangangailangan mo gaano man ito kalaki. Sa anong mga paraan mo nakita ang Diyos na kumilos upang tugunan ang pangangailangan mo?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.
More
We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church