Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa
Sa 2 Mga Hari 8:1-6 ay ang isang kuwentong kamangha-mangha sa tiyempo. Dito nabasa natin ang pagbabalik ng babaing taga-Sunem na may anak na muling binuhay ni Eliseo sa 2 Mga Hari 4. Bumalik ang babae sa Israel dahil sa taggutom. Nang pumunta siya sa hari ay saktong nandoon din ang lingkod ng propeta si Gehazi na nagkukwento sa hari tungkol sa himalang ginawa ni Eliseo sa pagbuhay sa patay. Ang pagkakataong iyon kung saan nagkatagpo-tagpo ang babae at hari ang dahilan kung paano nakuhang muli ng babae ang lupain. Sa Diyos walang nagkataon lamang.
Pagmunihan ang mga pagkakataon sa buhay na akala mo'y nagkataon lang. Marahil ay makikita mo ang galaw ng Diyos na inakala mong nagkataon lang subalit sadyang tinadhana ng Diyos para sa'yo. Higit sa lahat, panatilihing handa para sa mga pagkakataong ito dahil magpapadala muli ang Diyos. Tibayan ang pananampalataya at sa halip na maghintay sa Diyos para sa mga 'nagkataong' pangyayari, maging maagap at hingin sa Diyos na ipagkaloob ang mga pagkakataong ito sa buhay mo ng mas madalas. Tandaan, walang nagkataon lamang kung lubusan mong ilalaan ang sarili para sa gawain ng Diyos. Ilarawan ang isang pagkakataon na nakaranas ka ng tamang tyempo. Paano mo nakita ang Diyos sa likod nito?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.
More
We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church