Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa
Ang ika-3 kabanata ng 2 Mga Hari ay isang magandang kwento ng tatlong hari ng Israel, Juda at Edom na nagsama-sama sa pakikidigma, nang bigla silang nalagay sa alanganin. Sumangguni sila kay Eliseo tungkol sa kanilang pakikipaglaban. Ang tugon ni Eliseo sa kanila ay hindi kagaya nang kanilang inaasahan. Ayon kay Eliseo (sa salin ng King James) kinakailangang maghukay ng mga kanal dahil pupunuin ng Diyos ng tubig ang mga ito, na magpapalakas sa kanilang mga kawal at mga hayop. Kapag ginawa nila ito, masasakop na nila ang Moab. Marahil nagtaka ang mga hari sa utos ni Eliseo, subalit naniwala sila sa pangako ng Diyos at sumunod gaya ng ipinagutos.
Pananalig ang tema ng buong kwentong ito. Tanging ang Diyos lang ang makapagpapadala ng tubig, subalit nais Niyang ikaw ang maghukay ng kanal. Kung nais mong magkaron ng tubig sa buhay mo, humukay ka ng kanal. Ang tunay na pananampalataya ay kumikilos at naniniwalang anuman ay posible, subalit kinakailangang magsimula sa maliit. Ang laki ng iyong pananaw ay hindi katakut-takot sa Diyos. Marami ang hindi maghahangad ng malaki, subalit mas marami ang hindi magsisimula kahit sa maliit lamang. Paano ka humukay ng kanal? Kunin ang iyong “pala” at magsimulang maghukay. Hindi mo maaasahang bigyan ka ng Diyos ng malalaking bagay kung hindi ka magsisimula sa maliit. Maniwala ng malaki. Magsimula sa maliit. Isabuhay ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng paghuhukay. Anong malaking pangarap ang hinihiling mo sa Diyos? Anong maliliit na kanal ang maari mong simulang hukayin bilang paghahanda para matamo ang pangarap mong ito?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.
More
We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church