Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Bagong PamumuhayHalimbawa

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

ARAW 7 NG 7

Kailan ka ba last nakapagpahinga?

Let’s be honest. Kailan ka ba last nakapagpahinga? Parang naging common na sa lifestyle natin ngayon ang laging go lang nang go, lalo na sa paggamit natin ng phones na anytime anyday ay puwedeng may kakausapin o gagawin online.

Mas naging mahirap pala these days ang mag-day off talaga. Kasi, if you’re working, kahit sa day off mo, puwede ka pa ring parang naka-on-call, dahil reachable ka 24/7 sa phone mo. Kung estudyante ka naman, ganoon din ang contact with your classmates at teachers, through sa messenger na anytime puwedeng may pumasok na message.

Pero alam mo ba? Mahalaga pala kay Lord na makapagpahinga tayo. Gaya ng paglikha ni Lord ng mundo sa loob ng anim na araw, ang ikapitong araw ay idineklara Niyang ganito:

Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat. (Genesis 2:3 ASND)

Pati si Lord mismo ay piniling magpahinga. At gusto Niya ring matuto tayong magpahinga. Tingnan natin ang verse na ito:

Walang kabuluhan ang paggising nang maaga at pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain, dahil ang PANGINOON ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal, kahit silaʼy natutulog. (Salmo 127:2)

Hindi pala kailangang sobrang i-push ang sarili nang walang pahinga. Ikaw, *|FNAME|*, marunong ka bang magpahinga? Kung hindi, ngayong bagong taon, mag-set tayo ng goals na makapagpahinga at least isang beses bawat linggo. Hindi mo kailangang mag-alala sa oras na wala kang ginagawang trabaho, dahil sabi ni Lord, Siya ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang minamahal, kahit tayo’y natutulog.

Isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

7-day Reading Plan Patungkol sa Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day