Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Bagong PamumuhayHalimbawa

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

ARAW 2 NG 7

Gusto mo ba ng abundant life?

Ngayon ang New Year’s Eve! Anu-ano ba ang mga pamahiin ninyo para sa gabing ito? May mga families na naghahanda ng 13 round fruits, sa paniniwalang magdadala ito ng pera at blessing sa bagong taon. Mayroon namang naniniwalang kailangan nilang magsuot ng pula para sa good luck, o noong bata ako, kailangan daw dotted ang damit na nagsi-symbolize din ng pera.

Alam mo ba hindi pala natin kailangan ang mga pamahiin upang magkaroon ng buhay na puno ng blessing? Tingnan natin ang sinabi ni Jesus sa Bible:

Dumarating ang magnanakaw para lang magnakaw, pumatay at mangwasak. Ngunit dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap. (Juan 10:10 ASND)

Ang galing, ano? Si Jesus pala ang paraan upang magkaroon tayo ng abundant life. Pero may ipinakita rin Siyang contrast, na may enemy din palang gustong guluhin ang buhay natin.

Ngayong papasok tayo sa New Year, alam mo bang puwede tayong pumili ng mga values na gusto nating i-embrace para sa abundant life? We can decide kung gusto natin sundin ang ways ni Jesus or ang ways ng enemy! At kapag nag-set tayo ng values natin, dito rin nakasalalay ang pag-establish natin ng mga goals at mga gagawin natin for the rest of the year. Totoo palang puwedeng bagong taon, bagong pamumuhay.

Ito ang challenge namin sa iyo today. Isulat mo ang mga gusto mong makitang life values mo, kahit 3 to 5 lang muna. For example, isa sa mga values namin as a family ay ang “life-giving speech.” Gusto naming i-practice na lahat ng sasabihin namin sa bawat isa at sa ibang tao ay ang mga words lang na nagbibigay-liwanag. Of course, hindi rin namin ito ma-perfect! Pero at least may target, di ba? Feel free to share your experience with us through e-mail!

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

7-day Reading Plan Patungkol sa Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day