Bagong Taon, Bagong PamumuhayHalimbawa
![Bagong Taon, Bagong Pamumuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54853%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Kumusta ba ang relationship mo sa family and friends mo?
Kumusta ba ang relationship mo sa family and friends mo? Kung married ka at may mga anak, maco-consider mo bang best friend ang asawa mo, at may heart connection ba kayo ng mga anak mo? Or, kung single ka, kumusta ang relationship mo sa parents at mga kapatid mo? Meron ka bang mga close friends na mapag-asahan sa problema, na silang ini-encourage mo din kapag sila naman ang may pinagdadaanan?
Bakit namin naitanong ito? Alam mo bang mahalaga pala kay Lord ang relationships? Sometimes, gusto nating isipin na kaya natin ang lahat, strong tayo at independent.
Tingnan natin ang mga sumusunod na nakasulat sa Bible:
Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Dios na namumuhay nang may pagkakaisa. (Salmo 133:1 ASND)
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan. (1 Pedro 4:8 ASND)
Nakikita mo ba? Mahalaga pala kay Lord na matutunan nating magmahal sa isa’t-isa, at mamuhay nang may pagkakaisa. Pero alam mo ba, hindi ito mangyayari nang basta-basta lang. Kailangan pala nating mag-invest ng time at energy para ma-improve ang mga relationships natin.
Ngayong bagong taon, gusto mo rin bang i-improve ang heart connection mo sa mga taong pinakamalapit sa iyo? Puwede kang magsulat din ng goals mo related sa social life. For example, kung gusto mong maging close sa anak mo, ano kaya ang pwede mong gawin? Puwede kayang mag-set ng 1 day a week na makapag-bonding kayo, or 3 times a week na magkasama ang buong pamilya sa kainan? Or, kung single ka at gusto mong i-improve ang relationship sa mga magulang mo, baka puwede kang mag-set ng goal na tumawag sa kanila once a week.
Gusto Niyang i-bless ang relationships mo. Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Bagong Taon, Bagong Pamumuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54853%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
7-day Reading Plan Patungkol sa Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day