Bagong Taon, Bagong PamumuhayHalimbawa
Kumusta ba ang finances mo?
Ngayong bagong taon, kumusta ba ang finances mo? Kung may natanggap kang Christmas bonus, satisfied ka ba kung saan ito napunta? On the other hand, baka nahihirapan kang pagkasyahin ang budget mo bawat buwan.
Sa aming mag-asawa, may mga times na nakakatanggap kami ng financial blessing, at may mga months din na mahirap pagkasyahin ang budget. And we admit na nakaka-cause din ng conflict kapag may issue sa pera.
Sa mga ganitong struggle, maaaring maghanap tayo ng solution, like gumawa o kumuha ng ibang racket so we can earn more, or maghanap ng expenses na puwedeng bawasan. Pero, may temptation ding magalit sa situation or kay God mismo, kung bakit Niya pinabayaan tayo sa ganitong kalagayan.
Alam mo ba hindi si God nagbubulag-bulagan sa mga struggles natin financially? Ito pala ang nakasulat sa Bible about sa pag-manage natin ng pera:
Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? (Lucas 16:11 ASND)
Nakikita mo ba? Pinagmamasdan pala ni God kung paano natin mina-manage ang pera. May tunay na kayamanan pala Siyang gustong i-entrust sa atin. At ito pa:
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.” (Hebreo 13:5 ASND)
Ang isang reason pala kung paano tayo magiging kontento sa anumang nasa atin ay ang knowledge na hinding-hindi tayo iiwan o pababayaan ni Lord.
Sana makakatulong ito sa iyo ngayong bagong taon. With these truths, puwede ka nang magsulat ng goals mo for your finances this year. At alam mong sasamahan ka ni Lord sa mga goals mong ito.
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day