Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Bagong PamumuhayHalimbawa

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

ARAW 3 NG 7

Let’s talk about our physical health!

Happy New Year! Ngayong 2025, ipagpapatuloy natin ang ating series, ‘Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.’ Anu-ano ba ang mga handa ninyo sa New Year’s Eve? Marami bang dessert? May spaghetti ba, salad, lechon? Dito sa atin, malaking handaan ang Christmas at New Year, kaya marami sa atin ang tumataba—o nagkakasakit sa sobrang pagod—sa holidays na ito.

Hindi naman natin goal ang pumayat o magmukhang sexy. Pero minsan, pumupunta tayo sa other extreme na akala natin, ang concern lang ni Lord ay ang kaluluwa natin. Napapabayaan ang tulog, ang wastong pagkain, at ang exercise. Pero alam mo bang mahalaga din pala kay Lord ang physical health natin? Ito pala ang nakasulat sa Bible:

…idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal na alam kong nasa mabuting kalagayan. (3 Juan 1:2 RTPV05)

Nakikita mo ba? Gusto pala ni Lord na maging malusog ang ating katawan, habang napapabuti din ang kalagayan ng ating buhay espirituwal. At, nasabi din sa Bible na ang body natin ay temple pala ng Holy Spirit (1 Corinthians 6:19).

Dahil dito, makikita natin na okey na okey pala ang mag-isip ng mga goals towards sa physical health natin.

Ikaw, may maisip ka bang goals para sa physical health mo this coming year? Baka gusto mong mag-start ng mag-exercise, or mag-healthy eating. Isulat mo ito sa notebook o i-record sa iyong phone. Puwede mo ring i-share ito sa amin via e-mail. Tutulungan ka ni Lord i-achieve ang mga ito!

Isa kang miracle!

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

7-day Reading Plan Patungkol sa Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day