Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Bagong PamumuhayHalimbawa

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

ARAW 1 NG 7

Gumagawa ka ba ng New Year’s Resolutions?

Yehey! Malapit nang matapos ang 2024! Ilang tulog na lang, 2025 na! Oras na naman upang pag-usapan natin: naniniwala ka ba sa paggawa ng New Year’s Resolutions?

Noong bata ako, ang mga “new year’s resolutions” ko ay ang pag-lose weight, maging less mainitin ang ulo, maging mas mabait sa aking mga magulang, etc etc. Ikaw, ano ba ang mga nagawa mong New Year’s Resolutions over the years? May nag-work ba?

Noong lumaki na ako, nakita kong maganda naman ang idea ng may mga gustong baguhin, pero kailangang convinced ako sa value nito at hindi lang dahil ‘fad’ maglista ng kung anu-ano kapag new year. Dahil dito, may ginagawa kami as a family every end of the year: we spend time together para pag-usapan ang mga values at goals namin individually and as a family.

Sabi daw sa Bible, kapag walang vision ang isang tao ay mapapahamak ito. (Proverbs 29:18 KJV).

Pero paano ba tayo magkaka-vision sa buhay natin? May magandang practice kaming nakuha sa isang Bible teacher na gusto naming i-share sa iyo. Gusto mo rin bang itry ito? Kumuha ka ng notebook. Then, sagutan ang mga tanong na ito:

  1. Ano ba ang gusto kong sabihin about sa akin ng asawa ko (or ng magiging asawa ko) at the end of my life?
  2. Ano ba ang gusto kong sabihin ng mga anak ko (o ng mga magiging anak ko) at the end of my life?
  3. Ano ba ang gusto kong sabihin ni Jesus sa akin at the end of my life?

Weird ba isipin ang ganito? Sa totoo lang, ito daw ang isang way upang mapaisip tayo ng ano talaga ang importante sa atin. Dito nagsisimula ang pag-decide natin ng mga goals na mahalaga sa atin.

Excited kami for you sa bagong taon! Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

7-day Reading Plan Patungkol sa Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day