Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Bagong PamumuhayHalimbawa

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

ARAW 4 NG 7

Gusto mo bang mag-improve ang spiritual life mo?

Alam mo ba ang spiritual life natin ay parang may sariling buhay din? Noong relatively young Christian pa ako, may sinabi ang isang respected Bible teacher na ang spiritual life daw ay parang nakasakay ka sa isang sasakyan paakyat ng bundok. Kung hindi ka umaakyat ay siguradong umaatras ka; walang “neutral.” Doon ko nakita ang importance ng pagiging intentional sa spiritual growth.

Ang good news ay, gusto rin ni God na mag-grow tayo sa spiritual life natin. At ngayong bagong taon, tamang-tama na mag-set tayo ng goals para ma-improve ang spiritual life natin.

Tingnan natin ang nakasulat sa 2 Peter 3:18 ASND:

Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.

Isa palang paraan upang mag-grow sa ating spiritual life ay ang pagiging intentional sa pagkilala sa Kanya. At maraming ways upang magawa natin ito. Maaaring mangyari ang growth sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bible o mga books na nagpapakita ng character ni God; maaari ding mangyari ang pagkilala sa Kanya through sa creation; at maari din sa pag-observe natin sa works ni God sa lives ng mga tao.

Ikaw ba, gusto mo rin bang mag-grow spiritually? If kasama ito sa mga gusto mong mangyari ngayong 2025, puwede mong isulat ang goals mo for your spiritual life. Baka gusto mong mag-set ng time kung saan makakausap mo si Jesus. Puwede kang mag-start ng 10-15 minutes lang everyday. O baka gusto mong mag-start na magbasa ng Bible, kahit 10 minutes lang din o di kaya 1 chapter per day. Magagandang goals na ang mga ito!

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

7-day Reading Plan Patungkol sa Bagong Taon, Bagong Pamumuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day