Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Katangian Ni GodHalimbawa

Mga Katangian Ni God

ARAW 1 NG 7

Ano ba ang love language mo?

Familiar ka ba sa mga love languages? Sa book ni Gary Chapman, ipinakita niyang ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang preferred love language, which is the way kung saan tayo nakakaramdam ng pagmamahal.

May mga taong nagfi-feel loved through acts of service, like kapag may nagse-serve sa atin; through physical touch, like when someone hugs us or holds our hands; through words of affirmation, na need nating marinig verbally ang appreciation ng taong mahal natin; gifts, na nakakaramdam tayo ng pagmamahal kapag may gifts tayong nare-receive; at quality time, na need nating makapag-spend ng oras with our loved ones.

Why do we share this? Naniniwala ka ba na lahat tayo ay may desire to feel loved? Whether makukuha natin ito sa mga loved ones natin or not, nandyan pa rin ang desire. Nakakalungkot kung hindi natin makuha ang gusto nating love. And, in all honesty, kahit gaano pa tayo kamahal ng isang tao, may mga sandali talagang masasaktan at madi-disappoint tayo, dahil siyempre, hindi perfect ang tao.

Pero may good news. Alam mo bang isa sa mga pinaka-important characteristics ni God ay, God is love? Nakasulat sa 1 John 4:8:

Whoever does not love does not know God, because God is love.

May longing ka ba for love na hindi naibibigay ng tao? Si God lang ang perfect, na hindi maaaring magkasala. Maniniwala ka bang baka ang hinahanap-hanap nating love na walang katapusan at walang pagbabago ay maaari lamang nating makita sa Kanya?

Ito ang challenge ko sa iyo. Let’s read-aloud ang verse na ito every morning bilang words ni Lord para sa iyo:

Noong una, ang PANGINOON ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi, “Inibig ko kayo ng walang hanggang pag-ibig. Sa kagandahang-loob ko, pinalapit ko kayo sa akin. (Jeremias 31:3 ASND)

Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Mga Katangian Ni God

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Katangian ni God

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day