Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Katangian Ni GodHalimbawa

Mga Katangian Ni God

ARAW 4 NG 7

Kung makakagawa ka ng movie, sino ang starring?

Kung makakagawa ka ng isang movie, ano ang gusto mong main character? Ano ang mga katangiang gusto mong ibigay sa starring role? Malamang ay mabuting tao ito, mabait, hindi madaling magalit, mapagmahal, magaling, malakas, at kung anu-ano pang mga magagandang characteristics!

The problem is, in real life, mahirap makahanap ng taong taglay ang lahat ng ito! Hindi ba, kahit gaano pa kagaling ang isang tao, like for example, ang mga inspirations natin, may weaknesses pa rin sila.

Pero… iba pala si God. Sa Isaias, ito ang description ng mga living creatures kay God:

Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang PANGINOONG Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.” (Isaias 6:3 ASND)

Alam mo ba na ang isa sa meaning ng word na banal or “holy” na lagi nating naririnig sa simbahan ay ganito pala intindihin, na si God ay “walang katulad”? Siya pala ang totoong walang katulad.

Let’s try nga na intindihin ito. In what ways kayang walang katulad si God?

Sa pagmamahal, may katulad ba si God? Wala, nakasulat sa Bible: “Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. (Salmo 103:11 ASND)”

Sa pagiging faithful sa promises, may katulad ba si God? “Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman –(Salmo 105:8 ASND)” And ito pa: “Ang Dios ng Israel ay hindi nagsisinungaling at hindi tulad ng tao na pabago-bago ng isip. (1 Samuel 15:29 ASND)”

Sa pagiging tapat, may katulad ba si God? “Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili. (2 Timoteo 2:13 ASND)”

Nakakatuwa pala isipin no? Mabuti na lang at hindi si God katulad ng tao, kaya maaari tayong magtrust sa Kanya.

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Mga Katangian Ni God

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Katangian ni God

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day