Mga Katangian Ni GodHalimbawa

Sino ba ang nilalapitan mo kapag may problema?
Puwede bang magtanong? Kapag may problema ka ba, sino ba ang first person na nilalapitan mo? Paano ba sila nakakatulong sa iyo?
Or, let’s put it this way. Can you remember a difficult time in your life na may nakinig sa iyo? Ano ba ang effect nun? Naka-relieve di ba?
Bakit namin naitanong ito? Alam naming napakabigat kapag may problema at wala tayong puwedeng malapitan. Na-experience din namin iyon, sa isang instance na nagka-conflict kami sa mga taong pinaka-close namin. Wala kaming ibang malapitan; napakalungkot! Buti na lang, pareho kaming mag-asawa na may relationship kay Jesus. So in addition sa aming relationship sa isa’t-isa, may isa pa kaming nalapitan sa heavy time na iyon: si Jesus.
Nakasulat sa Lamentations sa Bible:
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. (Mga Panaghoy 3:22-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Naghahanap ka ba ng kaibigang tapat, somebody who will always be there for you? Ito ang promise ni Lord sa atin, na ang pag-ibig Niya ay walang katapusan, at ang kahabagan Niya’y walang kapantay. Ang mercies Niya ay fresh every morning, kaya everyday, every moment, puwede tayong humingi ng tulong sa Kanya.
Ito ang challenge ko sa iyo today. Puwede ka bang mag-set aside ng kahit 5 minutes lang? Sa time na ito, kumuha ng papel or notebook, or kahit sa cellphone lang. Mag-isip at isulat ang tatlong bagay na nagpapakita ng pagmamahal ni Lord sa iyo. Hopefully, sa pag-iisip at pagsulat, ma-remind ka din ng faithfulness Niya. Maari mo itong gawin everyday, perhaps bago matulog.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Katangian ni God
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day