Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Katangian Ni GodHalimbawa

Mga Katangian Ni God

ARAW 6 NG 7

Ano ba ang favorite gift na na-receive mo?

Malapit na ang Christmas! Ano ba ang favorite gift na na-receive mo? Laruan ba noong bata ka? Gadget, like cellphone? Books? Damit o sapatos?

Ako, mahilig ako sa mga homemade gifts. Since bata ako, mas pinipili kong sumulat ng poem, gumawa ng story, or mag-create ng kung ano-ano gamit ang mga kamay ko, versus na bumili ng gifts sa store. Kaya ang isa sa mga favorite gifts na na-receive ko ay isang stuffed toy na rabbit na ginantsilyo para sa akin—at ibinigay pa ng walang okasyon! Nakaka-touch di ba?

Na-bring up namin ang tungkol sa gifts dahil isa sa mga katangian ni God ay ang pagiging gracious. Ang meaning daw ng “grace” ay ang giving of something na hindi natin deserve. Ganyan ang mga gift, binibigay ito nang libre at hindi bilang bayad sa trabaho. Kapag binabayaran ang isang bagay, hindi na ito regalo. At iba rin ang reward, dahil ang reward ay ibinibigay to somebody who deserves it.

Can you imagine na ganyan si God? Mahilig Siyang magbigay ng gift kahit na hindi natin ito deserve. Today, makakaisip ka ba ng kahit tatlong bagay na ibinigay ni Lord sa iyo for free? Isulat mo kaya ito sa journal or sa cellphone mo.

Then, tingnan din natin itong nakasulat sa Bible:

"For by grace you have been saved through faith, and that not of yourselves; it is the gift of God, not of works, lest anyone should boast. (Ephesians 2:8-9)”

Pati pala ang relationship natin kay God, ibinibigay Niya bilang gift; hindi ito based sa performance natin, kundi “by grace through faith.” Dahil sa ginawa ni Jesus sa cross, puwede tayong lumapit sa Kanya, na alam nating forgiven tayo. Nakakatuwa isipin ano?

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Mga Katangian Ni God

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Katangian ni God

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day