Mga Katangian Ni GodHalimbawa

Ano ba ang isang strength mo?
Let’s talk about strengths. Ano ba ang masasabi mo na isang strength mo? Magaling ka ba kumanta o magdrawing? Mag-organize ng events or schedules? Mahilig ka bang makinig sa mga friends at magbigay ng advice? Kumusta ka sa pag-respond sa emergencies, o sa pag-work under pressure?
Iba-iba ang mga strengths and weaknesses natin. Sometimes, nakikita natin ang mga strengths natin in the way we do our schoolwork or in our career. Other times, mas madali nating makita ang mga weaknesses natin at puwedeng ma-discourage tayo na para bang wala tayong kakayahan.
Isa ito sa mga bagay that we learned lately: importante palang alam natin ang ating mga strengths and weaknesses; both are part ng pagkikilala natin sa ating mga sarili, at magagamit natin ito to reach our full potential and sa pakiki-relate natin sa ibang tao. For example, for me (Yen), aware ako na strength ko ang mag-isip at magsulat, pero sensitive pala ako sa noise and lights, at mas gumagana ang mind ko sa environment na tahimik at may natural lighting lang. And I’m more able to listen to others sa ganitong atmosphere.
Ganyan talaga sapagkat tayo’y tao lamang, may strengths at weaknesses.
Pero si God? May good news kami sa Iyo. Si God naman ay all-powerful. Nakasulat sa Psalms:
Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat. (Mga Awit 147:5 RTPV05)
Ano ba ang nakikita mong mga katangian ni God sa verse na ito? May nakikita kaming at least three things: Siya ay dakila; Siya ay malakas; at ang Kanyang karunungan ay hinding-hindi masusukat.
Kailangan mo ba ngayon ng somebody na malakas at marunong? Si Lord ay malakas at puno ng karunungan. Puwede kang lumapit sa Kanya! Isang tawag mo lang at nandyan Siya para sa iyo.
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Katangian ni God
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day