Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Katangian Ni GodHalimbawa

Mga Katangian Ni God

ARAW 7 NG 7

Nag-i-struggle ka bang maging mas magaling sa iba?

Let’s be honest. May mga sitwasyon bang tingin mo kailangan mong i-prove ang sarili mo, na mas magaling ka sa iba? Sometimes, we feel this kapag nakakita tayo ng Facebook post ng isang classmate na kung ano-ano ang mga achievements, or kapag nasa family gathering kung saan nagkukuwentuhan at nagpapagalingan. Hindi ba ang tendency ay gugustuhin din nating magmukhang mas magaling?

Sabi nila, ito daw ang isa sa pinakamalaking struggle sa modern life: envy sa iba that social media is feeding. Kami, may times ding we struggle sa ganito, kaya naging intentional kami sa social media use. Ikaw? Ilang beses ka bang gumamit ng expression na “Sana all!” this week?

Pero alam mo, matagal na palang issue itong desire ng tao na maging magaling. Dati pa, may kuwento sa Bible kung saan nag-isip ang mga tao ng paraan upang marating ang kalangitan. (Mababasa natin ito sa Genesis 11.) Nagtulungan silang gumawa ng isang napakataas at kamangha-manghang tower, habang iniisip, “Ang galing natin, ano!” Pero nakita ni God ang kanilang ginagawa, kaya pinagulo Niya ang kanilang languages, at hindi natapos ang project na ito. (Ito ay tinawag na Tower of Babel, na ang meaning ay “confusion.”)

Mahirap pala ang issue ng pride ano? But the good news is, ang Panginoon natin ay hindi ganoon ang ugali. Isa Siyang mapagkumbaba na God. Bakit natin masasabi ito? First, pinili Niyang maging taong katulad natin, with limitations. Second, pinili Niyang ipanganak ng isang simpleng babae sa isang stable, hindi sa isang castle! At higit sa lahat, pinili Niyang mamatay sa isang cross, na sa panahong iyon ay death penalty para sa isang criminal! (Philippians 2:8 ASND: At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.)

Sabihin natin ito out loud, “Salamat, Lord, at Ikaw ay mapagkumbaba.”

Isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Mga Katangian Ni God

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Katangian ni God

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day