Mga Katangian Ni GodHalimbawa

Sa tingin mo ba, madali bang magalit si God?
Noong bata ka, paano ka ba kinokorek ng magulang mo? May ilan sa atin na pinapalo; yung iba, pinapagalitan, sinisigawan. At may iba pang ang communication style sa family ay magtampuhan, walang imikan nang ilang araw. Ang pinaka-“ideal” siguro natin ay ang mga magulang na kayang i-control ang kanilang galit at makipag-usap nang matino, pero sa totoo lang, konti lang sa atin ang naka-experience ng ganito.
Bakit natin pinag-uusapan ito? Ito ang reason: alam mo bang ang experience natin sa ating mga magulang ay nakaka-affect on how we picture God? Kung lagi tayong pinapagalitan noong bata tayo, mas malaki ang chance na ang tingin natin kay God ay lagi ring galit. Kung ang experience naman natin ay mga magulang na laging absent, either dahil wala sila sa tabi natin or hindi lang talaga involved, big chance na yan din ang iniisip natin about God.
Sa tingin mo ba, madali bang magalit si God? Noong bata ako, sabi ng kuya ko (na bata ring tulad ko), ang heart natin ay parang blank board. Bawat kasalanan natin ay naglalagay ng dot doon. Every time daw na pumupunta tayo ng church at nagrereceive ng communion, na-eerase daw ang mga dots at nagmumukhang bago ang heart. Then, uulit lang ang process, kaya dapat daw every week akong pumupunta ng church at nagco-communion.
Nakikita mo ba ang mali sa concept na iyon? For one, ang nagiging tingin natin kay God ay parang isang policeman lang na nagbabantay tuwing magkakasala tayo. Pero ano ba ang totoong nakasulat sa Bible?
Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. (Salmo 103:8 ASND)
Nakikita mo ba? Sabihin natin ito out loud: Si Lord ay puno ng habag, gustong tumulong, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw ang pagmamahal!
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Katangian ni God
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day