Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa
Nang dumating ang mga babae sa sinaunang sementeryo sa bukang liwayway ng Linggo, hindi sila binati ng malamig at selyadong libingan at sa halip ay binati sila ng isang anghel, na namamahinga sa ilalim ng sikat ng araw sa ibabaw ng bato na pinagulong palayo!
At ano ang sinabi ng anghel na ito?
“Huwag kayong matakot!”
Ibalik natin ang panahon noong 33 taon ang nakaraan bago pa nangyari ang umagang ito ng muling pagkabuhay, kung kailan isang anghel galing sa langit ang nagbalita ng pagkapanganak ni Jesus. Ano ang sinabi ng anghel?
“Huwag kayong matakot!”
Sa tuwing dumarating ang Diyos sa ating buhay, dumarating Siya upang alisin lahat ang ating takot. Si Jesus ay nabuhay at namatay para sa mga kinatatakutan mo! Kung ikaw ay nakagapos dahil sa takot, palayain mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng Tagapagligtas na hindi nagagapos ng kamatayan!
Ang selyadong libingan, ngayong umaga ng Pasko ng Pagkabuhay, ay hindi binuksan upang palabasin si Jesus kundi para papasukin ang mga mapagmahal na babae. Ang mga babaeng ito, na unang binigyang utos na ipahayag ang kuwento ng ebanghelyo, ay tumakbong nagdiriwang palayo sa sementeryo na may nararamdamang matinding takot at matinding kagalakan nang sabay.
Hayaan mo na laging mangibabaw sa iyong takot ang iyong kagalakan! Walang anumang bagay sa iyong buhay ang dapat mangibabaw sa Kanyang ligaya. Ang kagalakan na naramdaman ng mga babaeng ito noong Linggo ng umaga ay naging dahilan para sila ay magpatirapa at sumamba.
Ilan sa mga disipulo ay sumamba ngunit ang iba naman ay nag-alinlangan. Ang mga disipulo ay may kaparehong desisyon na dapat gawin hanggang ngayon. Ikaw ba ay sasamba o mag-aalinlangan?
Magpapatirapa ka ba sa pagsamba o magpapatalo ka na lang ba sa takot?
Ang kapangyarihan at awtoridad na ibinabalita ng Pasko ng Pagkabuhay ay dapat maghikayat sa atin upang mag-anyaya ng mga disipulo. Kapag ikaw ay binalitaan... ikaw din ay dapat magbalita! Ang kalooban ng Diyos sa iyong buhay, at para sa aking buhay, ay gumawa ng mga disipulo sa ating mga personal na mundo.
Ang huling katotohanan ng kuwento ng Muling Pagkabuhay ay ang katotohanan na kasama ka Niya lagi. Sasamahan ka Niya sa iyong kinabukasan. Tayo ay ipinadala sa pinakaimportanteng gawain sa buong kasaysayan at nakakasigurado sa Pinakamalaking Presensya na nabubuhay kailanman sa langit at sa mundo.
“Hosana!”
Karapatang magpalathala 2013 ni Carol McLeod, nakalaan ang lahat ng mga karapatan. Si Carol McLeod ay siyang nagtatag ng Just Joy Ministries, na ang misyon ay magbigay inspirasyon sa mga babae sa lahat ng antas ng pamumuhay upang magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa Biblia, at lumago sa kanilang personal na relasyon sa Diyos. Maraming karagdagang impormasyon sa www.JustJoyMinistries.com.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com