Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa
Minahal ni Jesus ang mga tao. Minahal Niya ang may sakit at ang may kapansanan ... ang bayarang babae at mga bata. Mahal ni Jesus ang kanyang mga kapatid ... ang 12 na ang mga buhay ay naging mahalagang parte ng Kanyang sariling buhay.
Minahal din ni Jesus ang partikular na pamilyang nagdiwang kasama Niya, ang madalas na nag-aaruga sa Kanya habang Siya ay naglalakbay at kasama Niyang umiyak noong araw na binuhay Niya si Lazaro, ang kanilang kapatid, mula sa mga patay.
Naunawaan nating ginugol ni Jesus ang Kanyang huling mga oras sa mundo kasama ang Kanyang mga minamahal na kaibigan na naging pamilya na Niya. Ang mga sandaling ito ay napakahalaga habang tinitingnan Niya ng may pagmamahal ang bawat mukha nila na ang mga pangalan ay masusulat hindi lamang sa Kanyang puso kundi sa Kanyang mga kamay.
Noong sila ay kumakain sabay-sabay isang gabi sa huling linggo ng buhay ni Jesus, si Maria, ang babaeng labis na ginugol ang panahon sa paanan ni Jesus, ay nagpunta sa Kanya na bitbit ang pamana ng pamilya sa kanyang mga kamay.
Ginugol ni Maria ang panahon sa paanan ni Jesus, na may pamamangha sa pakikinig sa Kanyang Salita; ginugol niya ang panahon sa paanan ni Jesus sa pinakamadilim na oras niya na may paniniwalang gagawa si Jesus ng himala; at ngayon ay labis-labis siyang nagbibigay sa maganda Niyang mga paa na malapit nang maging madugo.
Binasag ni Maria ang sisidlan ng alabastro at ibinuhos ang masamyo at mamahaling pabangong ito sa ulo ni Jesus. Ang halaga ng sarong iyon ay katumbas ng isang taong kita ngunit nagawa ni Maria na walang humpay itong ibuhos sa buong katawan ng kanyang Tagapagligtas.
Mamamatay si Jesus bilang isang kriminal; tanging ang katawan lang ng mga kriminal ang tinatanggihan ng mamamayan na pahiran ng mga pampalasa at pabango pagkatapos mamatay. Ang natatanging ginawa ni Maria nang may pagmamahal ay nagligtas sa Kanya mula sa walang dangal na kamatayan ng mga kriminal. Ang tahimik na babaeng iyon ay punung-puno ng debosyon at pagmamahal na itinuring niyang walang sakripisyong napakalaki kung ito ay para kay Jesus.
Mamarapatin mo bang buong pusong gugulin ang iyong panahon kasama si Jesus sa buong linggong ito? Hahayaan mo bang ang iyong pagsamba ay mag-umapaw nang labis habang pinag-iisipan mo ang halagang binayaran Niya para sa iyo?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com