Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional

ARAW 4 NG 8

Ito ang ikatlong Paskuwa na kasama ni Jesus ang Kanyang mga disipulo kumain.

Ang pagkain ng Paskuwa ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng apat na kopa ng bino, bawat isa ay kumakatawan sa apat na bahagi ng pangako ng pagtubos sa Exodo.

Ang unang kopa ay bilang pag-alala sa pangakong “Ilalabas kayo”. Ang Diyos Ama, ang nagdala sa mga Israelita palabas ng Egipto tulad din ngayon, si Jesus, ang Kanyang Anak, ang magdadala ng lahat ng Kanyang mga anak palabas mula sa pananakop ng kasalanan.
Ang pangalawang kopa ay bilang pag-alaala sa pangakong “Ililigtas Ko kayo mula sa pagkakaalipin.” Ang bayang Israel ay pinalaya mula sa pagkakaalipin sa Egipto; si Jesus, ang Dakilang Tagapagpalaya, ay pinalaya tayo mula sa bihag ng pagkakaalipin kay satanas.

“Tutubusin ko kayo” ang pangako sa pangatlong kopa. Tinubos ng Diyos ang mga Israelita at dinala sa Lupang Pangako at ngayon, tayo, ang mga nakikinabang sa pagkamatay ni Jesus, ay tinubos at dinala sa isang bago at masaganang buhay!

Ang ikaapat na kopa ay nagsisimbolo sa pangakong, “Kukupkupin ko kayo bilang Aking bayan at Ako ay magiging inyong Diyos.”

Sinabi ni Jesus na ipagpapaliban niya ang pag-inom ng ikaapat na kopa hanggang sa tayong lahat ay sama-sama nang nagdiriwang sa Kaharian ng Diyos. Sinasabi ni Jesus sa kanyang pamilya dito sa mundo na magkakaroon ng isang hapunan ng muling pagtitipon balang araw at sila ay magkikita doon.

Kung tinanggap mo si Jesu-Cristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas, kasama ka rin doon!
Sisimulan ni Jesus ang pagdiriwang sa pamamagitan ng malugod na pagtanggap sa iyo sa Kanyang pamamahay sa wakas. Makikita mo si Pedro at si Santiago ... ang babaeng may sisidlang alabastro. ... at si Lazaro! Kasali ka doon!
Sa malaking pagkikitang iyon, wala nang kasalanan o paghihirap. Wala nang kanser, masakit na likod o masakit na ulo. At naroroon ka!

Nang lahat na ay nagkatipon-tipon, kukunin ni Jesus ang ika-apat na kopa... ang hindi Niya ininom noong gabi sa Jerusalem. Sa presensya ng Ama, hahawakan Niya pataas ang kopa at isang maligayang sigaw ang maririnig! Isang umaalingawngaw na sigaw galing sa bubungan ng langit... ang mga kamay ay itataas... ang tunog ng kantahan ay pupuno sa buong kalangitan!
At ikaw... ay naroon!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional

Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com