Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa
![For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F488%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Nagsama si Jesus ng tatlong disipulo sa hardin ng Getsemani. Si Pedro, Santiago at Juan ay kasama Niya sa Bundok ng Pagbabagong-anyo, at kinailangan sila ni Jesus upang manalangin kasama Niya.
Ngunit habang si Jesus ay nananalangin ... sila ay natulog. Habang si Jesus ay nagpapawis ng malalaking patak ng dugo, sila ay naghilik. Habang si Jesus ay nananaghoy ... ang tatlong lalaking Kanyang pinagkatiwalaan ay nahihimbing.
Nalalaman nilang Siya ay nakatakdang mamatay sa pamamagitan ng kamatayan ng isang kriminal, sila ay natulog at tumulo ang laway.
Tatlong beses pumunta si Jesus sa mga disipulo ... at tatlong beses sila ay natutulog.
Nagagalit tayo sa tila naging kapabayaan nina Pedro, Santiago at Juan ngunit gaano kadalas tayong nahuhuling nahuhulog sa takipsilim ng walang kabuluhang mga pag-uugali noong si Jesus ay tumatawag sa ating pangalan?
Nanonood tayo ng telebisyon sa tuwing may mga dasal na dapat ipanalangin.
Nagbabasa tayo ng mga nobela sa tuwing may mga tao na dapat mahalin.
Natutulog tayo habang ang kultura natin ay gumuguho.
Kagaya ng pangangailangan ng Tagapagligtas kina Pedro, Santiago at Juan ... kailangan ka ng iyong Tagapagligtas. Pinagkatiwalaan ka Niya ng may kapangyarihang panalangin. Pinagkatiwalaan ka Niya ng Dakilang Tungkulin. Pinagkatiwalaan ka Niya ng Mabuting Balita.
Sa Hardin na ito, ipinanalangin ni Jesus, "Hindi ang kalooban Ko ... kundi ang kalooban Mo."
Sinubukan mo na bang ipanalangin ang dasal na iyon noong ang buhay mo ay gumuguho? Ipinanalangin mo na ba, "Ama, ang kalooban Mo ang masunod", sa tuwing nahaharap sa malupit na pangyayari?
Kung wala tayong natutunang iba pa sa pangyayaring ito sa buhay ni Jesus, dapat tayong matutong manalangin habang ang iba ay nahihimbing at naisin ang kalooban ng Ama ng higit sa lahat.
Nang gisingin ni Jesus ang tatlo mula sa pagkakahimbing, namataan nila sa sinag ng buwan ang isang pulutong na paakyat mula sa kanlurang libis ng Bundok ng Olibo. Pagkatapos ng mga itong dakpin si Jesus, sa pangunguna ni Judas, nanatili si Pedro sa patyo ng pinakapunong saserdote. Doon itinanggi ni Pedro si Jesus ng tatlong beses.
Iniisip ko kung itatanggi din kaya ni Pedro si Jesus kung nanalangin lamang siya at hindi natulog. Pinag-iisipan ko kung paano mababago ang buhay ko kung mananalangin ako ... kaysa matulog.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F488%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay
![Krus at Korona](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11337%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Krus at Korona
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3841%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14894%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay
![Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F809%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13463%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)