Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa
Bago Siya ipinako sa krus, si Jesus ay pinagpapalo ng latigo. Tinanggalan Siya ng damit sa ibabaw at itinali ang kanyang mga kamay ay itinali sa poste ng mga sundalong Romano. Siya ay sapilitang pinayuko na nakalantad ang kanyang gulugod. Pagkatapos, si Jesus ay binugbog gamit ang isang latigo na may tatlong hiwalay na katad na may mga buto at mga metal na kadena.
Ang paglalatigo ay laging ginagawa sa tuwing ang isang bilanggo ay mahatulan ng kamatayan upang ang bilanggo ay manghina at mas madaling mamatay sa krus. Ang bayolenteng paglalatigo sa katawan ni Jesus ay pumunit sa kanyang balat at sumugat sa kanyang laman na halos mailantad na ang kanyang buto. Maraming mga biktima ang namamatay bago pa man sila ipako sa krus dahil sa paglalatigong ito. Marami ang napaparalisa at iilan ang natitirang may malay pagkatapos ng kakila-kilabot na parusang ito.
Pagkatapos ng paglalatigo ay ang pangungutya. Ang mga sundalo ay walang tigil sa malupit na pangungutya sa Anak ng Diyos ng lahat ng nilikha.
Si Jesus ay masyadong nanghina upang kargahin ang Kanyang sariling krus dahil sa lubos na pagpapahirap sa Kanya bago pa magsimula. Kakaunti na lang ang buhay na natitira sa Kanyang katawan nang dumating Siya sa tuktok ng Golgotha.
Ang Lalaki na bumaliktad sa mga mesa... humawak ng mga bata sa Kanyang kandungan... nagpatigil ng bagyo... at binuhay ang patay... ngayo'y nagdurugo sa matinding paghihirap. Ang Kanyang mga baga ay nagpupumiglas para sa isa pang hininga ng hangin sa mundo at ang Kanyang mga mata ay punong-puno ng malupit na sakit.
Iniisip ko kung naririnig ba ng mga guwardiya ang Tagapagiligtas na kinakapos ng hininga. Ang Kanyang ina, na saksi sa Kanyang unang natatanging hininga, ngayon ay naririnig Siya sa Kanyang huling hininga. Siya ay humagikhik sa Kanyang unang mga tunog at ngayon ay nakatayo at naririnig habang nilalabanan ang sakit.
Maaari sana Niyang tawagin ang 10,000 mga anghel sa sandaling iyon. Siguradong ililigtas Siya ng mga ito!
Kaya Niyang tanggalin ang Kanyang sarili mula sa krus ngunit pinili Niyang hindi gawin ito! Pinili Niyang pigilan ang Kanyang kapangyarihan. Bakit? Bakit hindi Niya iniligtas ang Kanyang sarili mula sa pangungutya na galing mismo sa impiyerno?
Siya ay nanatili para sa iyo... dahil IKAW ang kagalakan na itinakda sa Kanya. Ikaw ay nasa Kanyang isipan habang Siya ay nakabitay sa krus ng Kalbaryo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com