Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional

ARAW 7 NG 8

Ang mundo ay natatalukbungan ng isang hindi natural, maaga at nakapupuksang dilim noong araw na namatay si Jesus. Walang dahilan para sa araw na magningning sa panahong iyon ng kasaysayan. Ang Liwanang ng mundo ay pansamantalang nawala.

Ang tabing ng templo, na sumisimbolo sa pagkakahiwalay ng Banal na Pook mula sa makasalanang lugar, ay nahati sa dalawa! Sa huling hininga ni Jesus sa Krus, ang tabing ay napunit! Ang sangkatauhan ay hindi na muling mawawalay mula sa kanilang Banal na Diyos! Ang Espiritu ni Cristo ay hinati ang pader na pumapagitan sa dalawa at nagbigay ng daan para sa iyo na hawakan ang Diyos.

Ang mundo'y nayanig nang ibigay ni Jesus ang Kanyang Espiritu. Ang mga bato ay tumangis nang ang Tagapagligtas ay nagbigay ng Kanyang huling makamundong hininga.

Ang mga namatay ay bumangon mula sa kanilang mga libingan! Kaya mo bang isipin ang kapangyarihang sumabog mula sa tarangkahan ng kalangitan noong araw na iyon? Wala na ang kapangyarihan ng kamatayan! Nilupig na ni Jesus ang kamatayan magpakailanman at kahit ang mga libingan ay hindi mapipigilan ang mga patay. Ang mga katawang ito ay malaya na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng buhay na pinakawalan ng langit nang araw na iyon!

Lahat sa sangkatauhan ay nalalaman na may napakalaking pangyayari ang naganap noong araw na namatay si Jesus.

Si Jose na taga-Arimatea ay inalok ang kanyang hindi pa nagagamit na libingan. Ang hiram na libingang ito ay nasa isang kuwebang tinabas mula sa gilid ng isang burol. Ang Katawan ni Jesu-Cristo ay inihimlay sa loob at saka ang isang malaking tipak ng bato, mas malaki kaysa bukal, ay iginulong pababa ng burol patungo sa hukay.

Tiniyak nila ang seguridad ng libingan sa abot ng kanilang makakaya bilang tao. Sinelyuhan nila ang malaking bato ng pinatigas na putik. Si Jesus ay literal na sementado sa libingan. At pagkatapos, ay naglagay sila ng bantay upang magbantay sa libingan ni Jesus.

"Pabantayan ninyong mabuti ang libingan," ang mga salita ni Pilato sa mga Pariseo. Ang hindi naunawaan ng mga Pariseo ay walang putik ... walang bato ... walang bantay ... walang libingan ... at walang mga sundalo ang makapipigil sa Anak ng Diyos na muling mabuhay!

Ibabalik ni Jesus ang Kanyang hiram na libingan!

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional

Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin ang linggong ito, mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa mahimalang Muling Pagkabuhay, habang binabasa natin nang sama-sama ang mga pangyayaring nakasulat sa Biblia. Tayo ay magagalak kasama ang maraming tao sa mga lansangan ng Jerusalem, sisigaw sa galit kay Judas at sa mga sundalong Romano, iiyak kasama ng mga babae sa Krus, at ipagdiriwang ang umaga ng Pasko ng Pagkabuhay!

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com