Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpatay ng Kryptonite Kasama si John BevereHalimbawa

Killing Kryptonite With John Bevere

ARAW 7 NG 7

Ang panawagan para sa pagsisisi na kailangan sa at mula sa iglesia ngayon ay isang tawag sa tunay ngang kinakailangan natin: ang tunay na pag-ibig. Ang kakulangan sa tunay na pag-ibig sa iglesia ay pumupuno sa ating mga panambahan, sa mga ministeryo, at sa mga tahanang may dalawang sukdulan—pagkukunsinti at legalismo.

Ang panlilinlang ng pagkukunsinti ay maaari itong tingnan na parang pagmamahal. Ginagamit natin ang Biblia upang ipaliwanag ang pag-ibig na matiyaga, magandang-loob, hindi mapagmalaki, hindi magaspang, hindi ipinipilit ang sariling pamamaraan, kasama ang ilan pang mga katangian na matatagpuan sa 1 Mga Taga-Corinto 13. Subalit, ang pag-ibig ng mundo ay maaari ring magkaroon ng marami sa mga katangiang ito. 

Ang naghihiwalay sa pag-ibig ng isang Cristiano mula sa makamundong pag-ibig ay yaong ang pag-ibig ng Cristiano ay sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. "Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos," ang isinulat ng alagad ng pag-ibig, "kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos" (1 Juan 5:2).

Ang ibig sabihin nito ay, kung ako ay matiyaga, hindi magaspang, hindi naninibugho, at hindi nagmamataas, ngunit nagtataksil ako sa aking asawa o pinalalampas ko ang seksuwal na imoralidad, hindi ako lumalakad sa pag-ibig ng Diyos. 

Ang tunay na pag-ibig ay may tatak ng katotohanan at pagmamahal. Ang katotohanan na hindi kasama ng pag-ibig ay dinadala tayo sa kautusang nakasulat, na pumapatay—ang legalismo. At, ang nakalulungkot, ang mga tao ay tumutugon sa legalismo sa pamamagitan ng pagpunta sa kabilang sukdulan, ang pag-iwas sa pagtutuwid at sa mga babala mula sa Banal na Kasulatan, na napakahalaga sa kalusugan at pagtatayo ng iglesia. 

Magpakatotoo tayo—tinitingnan natin ang pagtawag sa mga kalalakihan at kababaihan upang magsisi na kawalan ng pagkahabag, pagiging magiliw, kagandahang-loob, at pag-ibig. Ngunit pansinin mo ito: Kapag nakakita ako ng isang bulag na patungo sa isang bangin na magdadala sa kanya sa tiyak na kamatayan, hinihingi ng pag-ibig na tawagin ko siya upang mag-iba ng direksyon!

Sa ating lipunan, at sa maraming nasa iglesia, ang totoong pag-ibig na humihingi ng pagsisisi ay ipinapalagay na panatiko at nakamumuhi. Ang moog na ito ay lumabas dahil maraming tao na ang iniisip lamang ay ang buhay nila dito sa mundo, at hindi ang pangwalang-hanggan. 

Kapag naaalala nating ang buhay na ito ay mabilis pa sa isang kurap kung ikukumpara sa walang hanggan, mabubuhay tayo nang naiiba. Dapat nating tingnan ang buhay ayon sa pangwalang hanggang kahulugan upang maunawaan ang tunay na pag-ibig. 

Ito ang pagmamahal na kailangan ng iglesia sa ngayon—pangwalang hanggang pag-ibig, tunay na pag-ibig—pag-ibig na haharapin ang kasalanan at mananawagan para sa pagsisisi, ngunit isang pag-ibig pa ring matiyaga, may kagandahang-loob, at banayad.

Nasiyahan ka ba sa babasahing gabay na ito? Hinihikayat ko kayong lumalim pa sa pamamagitan ng pagsuri sa aking aklat Killing Kryptonite.  

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Killing Kryptonite With John Bevere

Kagaya ni Superman, na nakakatalo sa bawat kalaban niya, ikaw na tagasunod ni Cristo ay mayroon ding higit sa karaniwang kakayahan na mapagtagumpayan ang mga hamon na hinaharap mo. Ngunit ang problema para kay Superman at sa iyo ay may kryptonite na nagnanakaw ng iyong lakas. Ang gabay na ito ay makakatulong na pawiin ang espirituwal na kryptonite sa iyong buhay, upang matupad ang iyong kakayahan na galing sa Diyos at yakapin ang buhay na walang limitasyon. 

More

Nais namin na pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://killingkryptonite.com