Pagpatay ng Kryptonite Kasama si John BevereHalimbawa
Naalala mo ba si Angela na nasa debosyonal kahapon? Nalaman natin na ang kanyang pakikiapid ay katulad sa inilalarawan sa Biblia na idolatriya laban sa Diyos. Ngunit talaga bang problema ito sa iglesia sa kasalukuyan? Sa kasamaang palad, ito ang totoo.
Kung titingan mo si Angela, ang ugat ng kanyang idolatriya ay ang kanyang pagnanasa. Ang isa pang salita para sa pagnanasa ay kasakiman.
Ang kasakiman ay hindi isang bagay na pinag-uusapan sa ngayon, kaya hayaan mong liwanagin natin ito. Ayon sa Merrian-Webster, ang kasakiman ay, "Isang matinding pagnanasang makuha ang isang diumano'y mabuting bagay." Ngayon ay hayaan mong bigyan kita ng ibang pananaw patungkol sa kasakiman mula sa Mga Taga-Colosas 3:5, kung saan sinasabi ni Pablo na, "Kaya't dapat nang mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan."
Nakita mo ba iyan? Sinasabi ni Pablo na ang kasakiman ay idolatriya! Maaaring isipin natin na ang idolatiya ay ang mga estatwa at lahat ng mga ganoong bagay, ngunit ang ugat sa likod nito ay ang di-matuwid na pagnanasa.
Ibinigay sa atin ng Diyos ang susi upang mapagtagumpayan ang kasakiman, at ito ay pagkakontento. Ang pagkakontento ay kumikilos palayo sa idolatriya at papalapit sa puso ng Diyos, habang ang kasakiman ay lumalayo sa Diyos at itinutulak tayo sa altar ng idolatriya.
Ito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ng Mga Hebreo na, "Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Hindi kita iiwan ni pababayaan man.' Kaya't buong tapang nating masasabi, 'Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?'” (Mga Hebreo 13:5-6).
Makikita mo sa taludtod na ito kung paanong ang kasakiman ay malinaw na kapareho ng pakikiapid. Nagkaroon ng kasakiman si Angela para sa ibang lalaki, at hindi niya hinayaang matugunan ni Justin ang kanyang mga pangangailangan. Dito ay sinasabi sa ating masiyahan tayo sa Diyos, dahil batid nating tutugunan Niya ang ating mga pangangailangan. Kapag bumaling tayo sa ibang pagmumulan na hindi galing sa Kanya at sa Kanyang sinasabing pamamaraan ng pamumuhay, iyan ay idolatriya!Narito ang ibig sabihin nito: Kapag batid ng isang mananampalataya ang kalooban ng Diyos, ngunit sinadya pa rin niyang piliin ang sariling pagnanasa, iyan ay idolatriya. Pinili nilang sumamba sa kanilang mga pagnanasa kaysa sa Diyos.
Kapag tiningnan mo ang sarili mong layunin, mga prayoridad, at mga pag-uugali, alin ang masasabi mong mas malakas sa buhay mo—ang kasakiman o ang pagkakuntento? Paano mong mapagsusumikapan ang isang buhay na may higit na pagkakontento?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kagaya ni Superman, na nakakatalo sa bawat kalaban niya, ikaw na tagasunod ni Cristo ay mayroon ding higit sa karaniwang kakayahan na mapagtagumpayan ang mga hamon na hinaharap mo. Ngunit ang problema para kay Superman at sa iyo ay may kryptonite na nagnanakaw ng iyong lakas. Ang gabay na ito ay makakatulong na pawiin ang espirituwal na kryptonite sa iyong buhay, upang matupad ang iyong kakayahan na galing sa Diyos at yakapin ang buhay na walang limitasyon.
More