Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpatay ng Kryptonite Kasama si John BevereHalimbawa

Killing Kryptonite With John Bevere

ARAW 6 NG 7

May tatlong magkakaibang sitwasyon patungkol sa mga mananampalataya at sa kasalanan.

Una, may mga nag-aangking mga mananampalataya na pinalalampas ang kasalanan dahil sa pusong tumigas na. Pangalawa, may mga nag-aangking Cristiano na naniniwala sa kasinungalingang lahat tayo ay likas na makasalanan, na ang dugo ni Jesus ay makapangyarihan lamang upang palayain tayo mula sa kaparusahan ng kasalanan, ngunit hindi sa pagkaalipin dito. Ang dalawang grupong ito, kapag nagkasala, ay tila mga kryptonite sa sambayanan ni Cristo, at nagdadala ng kahinaan sa buong sambayanan dahil sa kanilang kusang-loob na pagsuway kay Cristo. 

Subalit, may pangatlong grupo—mga mananampalatayang nagpupunyaging makalaya mula sa kasalanan. Ito ang grupong gusto kong pag-usapan sa araw na ito. 

Ang unang bagay na gusto kong sabihin ay, hindi hihinto sa pagpapatawad sa iyo si Jesus. Nakikita Niya ang pagdurusang dala sa iyo ng iyong kasalanan sa tuwing ikaw ay bumabagsak. Batid Niyang nais mo talagang maging malaya. At sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, ang mga salitang ito ay makatutulong sa iyo ngayon. 

Bahagi ako ng isang grupo sa loob ng maraming taon dahil sa aking pagkagumon sa pornograpiya. Nagumon ako rito ilang taon bago ako lumapit kay Cristo at maging noong ako ay may-asawa na at gumagawa na sa isang ministeryo, hindi pa rin ako makalaya. Minsan na akong pinatungan ng kamay ng isa sa mga respetadong ministro sa Amerika at ipinanalangin akong makalaya sa aking pagkagumon. Wala pa ring nangyari. 

Ang kalayaan ko ay hindi ko nakamit hanggang sa palitan ko ang aking mga prayoridad. Sa simula, gusto kong palayain ako ng Diyos dahil nag-aalala akong makasasagabal sa aking minsteryo ang kasalanan ko. Ngunit nagbago ang aking puso, at nagsimula kong pagtuunan kung paanong ang mga desisyon ko ay nakakahadlang sa aking pagiging malapit kay Jesus. Nagsimula akong tingnan kung paanong nakakaapekto sa Diyos ang kasalanan ko. 

Sa 2 Mga Corinto 7:10, pinaghambing ni Pablo ang dalawang uri ng kalumbayan—ang kalumbayan ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan, at ang kalumbayan ng mundo na nagdadala ng kamatayan. Ang kuwento ko ay naglalarawan sa dalawang uri ng kalumbayang ito. Noong una, ang kalumbayan ko ay makamundo, ang pag-aalala kung anong mangyayari sa akin. Ngunit nang lumaon, ang kalumbayan ko ay naging makadiyos, nababahala sa kung paanong ang aking kasalanan ay nakakasakit sa Diyos at sa ibang tao. 

Mahal na kaibigan, ang kapangyarihan ng Diyos ay nariyan upang palayain ka sa kasalanan at bigyan ka ng kahima-himalang buhay. Hanapin mo ang makadiyos na pagsisisi, tanggapin ang kapatawaran ng Diyos, at buong tapang na ipamuhay ang iyong bagong buhay kay Cristo.

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Killing Kryptonite With John Bevere

Kagaya ni Superman, na nakakatalo sa bawat kalaban niya, ikaw na tagasunod ni Cristo ay mayroon ding higit sa karaniwang kakayahan na mapagtagumpayan ang mga hamon na hinaharap mo. Ngunit ang problema para kay Superman at sa iyo ay may kryptonite na nagnanakaw ng iyong lakas. Ang gabay na ito ay makakatulong na pawiin ang espirituwal na kryptonite sa iyong buhay, upang matupad ang iyong kakayahan na galing sa Diyos at yakapin ang buhay na walang limitasyon. 

More

Nais namin na pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://killingkryptonite.com