Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpatay ng Kryptonite Kasama si John BevereHalimbawa

Killing Kryptonite With John Bevere

ARAW 1 NG 7

Maaaring nakakagulat na ang layunin ko para sa unang araw ng debosyonal na ito ay ang biguin ka . . . sasabihin ko sa iyo kung bakit.

May malinaw na paghihiwalay sa nangyari sa iglesia sa Bagong Tipan at sa nangyayari sa iglesia sa kasalukuyan. Madaling isisi ang paghihiwalay na ito sa nagkakahati-hating institusyon, mga pinunong hindi makadiyos, sa kultura, at sa iba pang mga dahilan, ngunit hayaan nating gamitin ang pagkakataong ito upang suriin ang ating sariling mga buhay. 

Ang katotohanan ay, ang mga Cristiano noong unang siglo ay mga nakahihigit na tao sa kanilang panahon, at ang mundo ay namamangha sa kanila. Narito ang ilan sa kanilang mga kabayanihan na makikita sa Banal na Kasulatan:

Walang sinuman sa kanilang pamayanan ang nagkukulang sa anumang bagay—walang anumang uri ng pisikal na pangangailangan, at walang nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan (Mga Gawa 4:33-35). Ang mga mamamayan sa mga bayan ay lumapit kay Jesus, at ang Ebanghelyo ay kumalat sa lahat ng mga rehiyon sa loob lamang ng ilang taon (Mga Gawa 9:32-35, 19:10). 

Ang kapangyarihan ng Diyos ay kumilos sa kanila nang lubos kaya kinailangan nilang hikayatin ang mga taong hindi sila mga diyos (Mga Gawa 10:25-26, 14:8-18)—isipin mo iyan ng ilang segundo. Ang kanilang mga pagsamba ay lubos na makapangyarihan na ang lupa ay nayayanig (Mga Gawa 4:31). At ang naging bunga ng mga ito ay, nagkaroon sila ng reputasyon bilang mga taong binago ang mundo (Mga Gawa 17:6). 

Ang dapat talagang maging hamon para sa atin ay ang paglilinaw ng Diyos sa Kanyang Salita na ang mga Cristiano sa mga huling araw ay makagagawa ng higit pa kaysa sa mga naunang mananampalataya. Ang tanong ay, bakit hindi natin nakikita ang mas malalaking gawa na ipinangako ng Diyos?

Naniniwala akong katulad ni Superman na may kryptonite, ang iglesia—ang grupo ng mga taong sinasabing sumusunod sila kay Cristo—ay may kryptonite din. 

Ang kryptonite ay isang materyal na mula sa planetang pinanggalingan ni Superman. Kapag lumalapit siya rito, nawawala ang lahat ng kanyang matinding lakas at siya ay nagiging mahina—mas mahina pa sa isang ordinaryong tao. Kung titingnan mo ang iglesia sa kasalukuyan—sa tumataas o mas mataas pa na bilang ng mga diborsyo, paggamit ng pornograpiya, at seksuwal na imoralidad kaysa sa mundo—malinaw na may mga kryptonite tayo sa kalagitnaan natin. 

Ang kalagayan ng iglesia sa kasalukuyan, na tila malinaw ang pagkakasalungat ng layunin kumpara sa mga balak at layunin ng Diyos para sa ating buhay bilang mga taga-sunod ni Cristo, ay nararapat na magbigay ng kasiphayuan sa iyo. 

Sa debosyonal na ito, malalaman natin kung ano ang kryptonite na ito at paano natin ito matatanggal, ngunit kailangan muna nating malaman at paniwalaan ang ating potensyal. Hindi ka magkakaroon ng determinasyong gamitin ang anumang potensyal na hindi mo nalalaman kung ano ito. 

Anong gagawin mo ngayong alam mo na ang iyong potensyal? 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Killing Kryptonite With John Bevere

Kagaya ni Superman, na nakakatalo sa bawat kalaban niya, ikaw na tagasunod ni Cristo ay mayroon ding higit sa karaniwang kakayahan na mapagtagumpayan ang mga hamon na hinaharap mo. Ngunit ang problema para kay Superman at sa iyo ay may kryptonite na nagnanakaw ng iyong lakas. Ang gabay na ito ay makakatulong na pawiin ang espirituwal na kryptonite sa iyong buhay, upang matupad ang iyong kakayahan na galing sa Diyos at yakapin ang buhay na walang limitasyon. 

More

Nais namin na pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://killingkryptonite.com