Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpatay ng Kryptonite Kasama si John BevereHalimbawa

Killing Kryptonite With John Bevere

ARAW 2 NG 7

Isang gabi, pagkagaling sa trabaho, naratnan ni Justin ang asawang si Angela, nakapostura at bihis na bihis. Naisip niya na merong pinaplanong espesyal si Angela para sa kanilang dalawa at siya ay sasabihang magbihis din. 

Si Angela na tila nagugulumihanan ay tumugon, "Mahal, may lakad kami ni Tony. Kakain kami sa labas, manonood ng sine at magpapalipas ng gabi sa Fairmont Hotel. Umaga na ako makakabalik." 

"Sino si Tony?!" tanong ni Justin.

"Siya ang dati kong kasintahan noong highschool," sagot ni Angela.

"Ha?! Hindi ka maaring sumama sa kanya!" 

"Bakit hindi?" 

"Dahil tayo ay mag-asawa: Tayo ay nakalaan sa isa't-isa. Hindi tayo dapat makipagdate sa iba!" mariing tugon ni Justin.

"Sandali!" sabi ni Angela. "Ikaw ang paborito ko. Mahal kita nang higit sa mga dati kong kasintahan. Nguni't hindi mo ko mapipigilan na makipagkita sa kanila. Naging malapit na ako sa kanila sa loob ng ilang taon, mahal ko pa rin sila at gusto kong mag-aliw na kasama nila. Ano ang masama doon?"

Maliwanag na hindi ganito ang relasyon ng isang tunay na mag-asawa. Mahirap unawain na may mga tao na hindi naniniwala na ang pag-aasawa ay para lamang sa isa't-isa. Natural, wala sa atin ang gustong makapangasawa ng katulad ni Angela na inaasahang maaari siyang patuloy na lumabas kasama ang mga dati niyang kasintahan.

Subalit marami sa atin na mayroon ding ganoong pakikitungo sa ating Panginoong Jesus. 

Sa kabuuan ng Banal na Kasulatan, inihahambing ng Diyos ang ating relasyon sa Kanya gaya ng sa mag-asawa. Ito ay katulad din ng Kanyang kaugnayan sa bansang Israel sa Lumang Tipan. Kung iisipin, sa bawat pagkakataon na ang Diyos ay nangungusap sa Israel, sa pamamagitan ng mga propeta, kung papaano silang nagkakasala sa Diyos sa kanilang pangangalunya ito, ay parating may kinalaman sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. 

Maari nating isipin na ang pagsamba sa diyos-diyosan ay may kinalaman lamang sa mga imahe, ngunit ang tunay na pinatutunguhan nito ay ang pagsamba. Ang pakahulugan ng Diyos sa pagsamba ay matutunghayan natin sa buhay ni Abraham at Isaac. Dito, makikita natin na ang pagsamba ay pagsunod. Ang pagsamba ay hindi nangangahulugan ng marahan at magandang awitin. Kahit sa anong paraan tayo gumagawa sa simbahan, kung hindi tayo sumusunod sa Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi tayo sumasamba sa Kanya at sa katunayan ay nangangalunya rin tayong katulad ni Angela. 

Paanong ang ating pagkakaunawa sa pagsamba ay nakapagpabago sa iyong pananaw ukol sa pamumuhay Cristiano? 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Killing Kryptonite With John Bevere

Kagaya ni Superman, na nakakatalo sa bawat kalaban niya, ikaw na tagasunod ni Cristo ay mayroon ding higit sa karaniwang kakayahan na mapagtagumpayan ang mga hamon na hinaharap mo. Ngunit ang problema para kay Superman at sa iyo ay may kryptonite na nagnanakaw ng iyong lakas. Ang gabay na ito ay makakatulong na pawiin ang espirituwal na kryptonite sa iyong buhay, upang matupad ang iyong kakayahan na galing sa Diyos at yakapin ang buhay na walang limitasyon. 

More

Nais namin na pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://killingkryptonite.com