Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpatay ng Kryptonite Kasama si John BevereHalimbawa

Killing Kryptonite With John Bevere

ARAW 4 NG 7

Sa araw na ito ay ipapakita ko sa inyo ang pinakamapaminsalang panlilinlang na nagdadala sa mga Cristiano patungo sa idolatriya—kahit hanggang ngayon. 

Upang magawa iyan, nais kong isipin ninyo ang kuwento ng gintong guya sa Bundok ng Sinai. Kung naaalala ninyo, iniligtas ng Diyos ang Israel mula sa Egipto sa pamamagitan ng napakaraming makapangyarihang himala at dinala sila sa ilang patungo sa Bundok ng Sinai. Sinabi Niya ang Kanyang mga kautusan sa kanila, ngunit lahat sila ay umatras at pinilit nila si Moises na umakyat mag-isa sa bundok upang kausapin ang Diyos. 

Habang wala si Moises, hindi nakatiis ang mga tao. Pinuntahan nila ang kapatid ni Moises, si Aaron, at hiningi sa kanyang gumawa siya ng mga diyus-diyosan para sa kanila na siyang magdadala sa kanila sa Lupang Pangako. Ngayon, ang salitang ginamit para sa "mga diyos" ay Elohim, na ginamit sa Lumang Tipan upang tukuyin ang mga diyos na pagano at ang tunay na Diyos din, kaya't hindi pa natin alam dito kung sino ang kanilang pinag-uusapan. 

Sumunod si Aaron sa kanilang hinihingi, gumawa siya ng isang gintong guya, at sinabi sa kanila, “Israel, narito ang diyos mong naglabas sa iyo sa Egipto!” (Exodo 32:4). Hindi pa natin alam kung sinong Diyos ang sinasabi nila, ngunit ito ay nilinaw agad ni Aaron. 

Sinabi niya, “Ipagpipista natin bukas si Yahweh.” (Exodo 32:5). Kapag sinabing "Panginoon," ang nakasulat doon ay ang pangalang "Yahweh," ang pangalan ng Diyos. Kaya alam na natin ngayon kung sino ang pinag-uusapan dito. 

Ito ang nangyayari: Ipinapahayag nilang, "Si Yahweh ang aming Diyos, Si Yahweh ang nagligtas sa amin mula sa Egipto. Si Yahweh ang aming Panginoon," ngunit sumasamba sila sa diyus-diyosan. Kailangang makita natin ang babalang ito, dahil kung sila ay nakapagpapahayag nang tama habang sumasamba sa diyus-diyosan, maaari ring mangyari ito sa atin. 

Sa katotohanan, maraming Cristiano ang gumagawa nito araw-araw. Ipinapahayag nila, "Si Jesus ang Panginoon," ngunit hindi nila sinusunod si Jesus. Katulad ng pagpapahayag ng Israel na sinasamba nila si Yahweh, ngunit sinusunod nila ang kanilang pagnanasa sa halip na ang ipinahayag ng Diyos na kalooban Niya, maraming mga Cristiano ang kumukuha at pumipili kung aling mga taludtod mula sa Banal na Kasulatan ang gusto nilang sundin, at pagkatapos ay hindi nila pinapansin ang ibang nakapanghahamon sa kanila! 

Ang nililikha rito ay isang imitasyon ni Jesus—isang diyus-diyosan. Hindi ito pagsamba kay Jesus sa katotohanan. 

Ang katanungang dapat nating itanong ay, paano nating malalaman na sinasamba natin ang totoong Jesus, at hindi isang imitasyon ni Jesus lamang? 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Killing Kryptonite With John Bevere

Kagaya ni Superman, na nakakatalo sa bawat kalaban niya, ikaw na tagasunod ni Cristo ay mayroon ding higit sa karaniwang kakayahan na mapagtagumpayan ang mga hamon na hinaharap mo. Ngunit ang problema para kay Superman at sa iyo ay may kryptonite na nagnanakaw ng iyong lakas. Ang gabay na ito ay makakatulong na pawiin ang espirituwal na kryptonite sa iyong buhay, upang matupad ang iyong kakayahan na galing sa Diyos at yakapin ang buhay na walang limitasyon. 

More

Nais namin na pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://killingkryptonite.com