Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpatay ng Kryptonite Kasama si John BevereHalimbawa

Killing Kryptonite With John Bevere

ARAW 5 NG 7

Paanong nabuo ang isang imahen ni Yahweh sa Israel, at paanong naisusulong ang isang imahen ni Jesus sa iglesia sa kasalukuyan? Kapwa resulta ito ng pinatigas na puso dahil sa kawalan ng totoong pagsisisi.

Ngayon, huwag kang kabahan. Alam kong ang pagsisisi ay naipangaral sa paraang nagdudulot ito ng pagkaalipin, ngunit hindi ito ang biblikal na pagsisisi. Ang totoo ay kailangan natin ang pagsisisi, dahil kung wala ito ay hindi natin mararanasan ang buhay na ibinigay sa atin ng Diyos. 

Kung titingnan natin ang sinasabi ng Biblia, makikita natin na ang bawat isang tinig mula sa Bagong Tipan ay malinaw at partikular na sinasabing ang pagsisisi ay isang kinakailangang bahagi sa ating buhay kay Cristo. Ang tala ng mga taong direktang nagsabi nito ay kasama sina Pedro, Pablo, Juan, Santiago, at ibang mga alagad, si Jesus mismo, at maging ang Diyos Ama. Ito ay isang pangunahin at walang dudang malinaw na katotohanan.

Nangangahulugan itong hindi maaaring magkaroon ng tunay na pananampalataya kay Jesu-Cristo kung walang pagsisisi sa mga hayag na kasalanan. At ano ang kasalanan? Ang kasalanan ay kabaligtaran ng pinakamabuting nakalaan para sa atin ng Diyos.

Ang ibig sabihin nito ay hindi tayo maaaring bumaling kay Cristo kung hindi tayo lalayo mula sa mga bagay tulad ng seksuwal na imoralidad, pagtsitsismis, at hindi pagpapatawad.  

Paano mong masasabing isa kang Cristiano at sadyaing hindi bitawan ang mga bagay na ito? Ang totoo, may higit sa limang daang mga kautusan patungkol sa pag-uugali na nasa Bagong Tipan. Ibinigay sa atin ng Diyos ang mga kautusang ito dahil hindi Niya kailanman pahihintulutan ang anumang makakasira sa iyo—mahal na mahal ka Niya. 

Ngunit kung patuloy nating panghahawakan ang mga kasalanang dahilan kung bakit namatay si Cristo para tayo ay iligtas, lumikha na tayo ng isang imahen ni Jesus, at ang ating pananampalataya ay guni-guni lang natin. 

Ang biblikal na pagsisisi ang sukdulang pagpapakita ng kababaang-loob, ang pagbubukas ng ating mga buhay sa hiwaga ng biyaya ng Diyos. Sa totoo lang, nangangako ang Diyos na bibigyan tayo ng biyaya kapag nagpapakumbaba tayo (Santiago 4, 1 Pedro 5). Kaya nga napakahalaga ng pagsisisi . . . hindi tayo dapat mahiya. Ang mga naghahanap at mga nag-aangking mananampalataya man ay dapat malaman ito. Mahalaga ito sa ating pananampalataya at kaligtasan!

Ang pagsisisi ay ang matinding pagbabago ng ating mga isipan na nakapagpapabago sa ating pagkatao mula sa ating kaloob-looban. Kapag bumabaling tayo kay Cristo, ginagawa Niya tayong bago, binibigyan tayo ng biyayang mamuhay tulad Niya. 

Ito ang biblikal na pagsisisi—ito ang proseso ng muling pagkalikha kay Cristo, na sinasalamin ang kalikasan at kabutihan ng Diyos sa mundo. May hihigit pa ba ritong paanyaya? 

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Killing Kryptonite With John Bevere

Kagaya ni Superman, na nakakatalo sa bawat kalaban niya, ikaw na tagasunod ni Cristo ay mayroon ding higit sa karaniwang kakayahan na mapagtagumpayan ang mga hamon na hinaharap mo. Ngunit ang problema para kay Superman at sa iyo ay may kryptonite na nagnanakaw ng iyong lakas. Ang gabay na ito ay makakatulong na pawiin ang espirituwal na kryptonite sa iyong buhay, upang matupad ang iyong kakayahan na galing sa Diyos at yakapin ang buhay na walang limitasyon. 

More

Nais namin na pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://killingkryptonite.com