ISANG BAGAYHalimbawa
![ONE THING](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F40071%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sa nakalipas na linggo, tiningnan natin kung ano ang ibig sabihin ng hangarin ang ISANG BAGAY. Nabubuhay tayo sa isang gulong-gulo, nakakabaliw, maingay na mundo. Napakahalagang magawa nating tumuon sa ISANG BAGAY lamang. Ang bagay na higit sa kahalagahan kaysa lahat ng bagay na ito'y nagiging ang mismong dahilang nabubuhay tayo.
Ang ISANG BAGAY ay ang ating relasyon kay Jesu-Cristo.
Tiningnan natin ang 5 susi sa pagsumpong sa ISANG BAGAY:
- PAGHILING
- PAGHANGAD
- PAGTIRA
- PAGMASID
- PAGHINGI NG PATNUBAY
Hayaan mong hikayatin kita sa pagtatapos ng debosyonal na ito. Gawin mong sigaw ng iyong puso ang kasulatang ito. Basahin ito sa iba't ibang mga salin. Sauluhin ito. Bigkasin ito nang madalas.
Dahil magbabago ang iyong buhay sa pamamagitan ng panalanging ito.
'Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,
iisa lamang talaga ang aking hangarin:
ang tumira sa Templo niya
habang buhay,
upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan
at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.'
(Upang mapanood ang buong serye ng pagtuturong ito, mangyaring bumisita sa aming website, www.harvestchurch.org.au/onething)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![ONE THING](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F40071%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng mabuhay para kay Jesus sa isang sanlibutang nalilingat. Ang mundo ay tumatakbo nang 160 milya kada oras, at mayroon tayong higit na impormasyon kaysa kaya nating pangasiwaan. Iyan ba ang anyo ng makabagong mundong ito? Paano tayo maghihinay-hinay sa ganitong matuling kaligiran? Ang sagot ay nasa Mga Awit 27:4 - ONE THING, ni Ps Andrew Cartledge.
More